First Encounter with my obheto
dated August 19, 2005 - Friday:
eto na ang aking magandang kwento.......(with background song na parang sa movie...) isang tanghalian sa 30th floor sa GT Tower, may dalawang magkaibigan na naglalakad sa pantry....at nakasabay nila ang obheto isang lalaking ka-obheto-obheto....nasa likod sya ng isang babaeng "petite" (take note, petite, hindi maliit) at sa harapan naman ng kanyang kasama. si babaeng nasa unahan ay hindi makalingon dahil nagka-stiff neck na naman yata at tuloy-tuloy lang paglalakad habang ang isa nyang kasama ay pinipigilan ang pagtawa. pagdating nila sa pantry, hinanda nila ang kanilang pagkain upang imicrowave...nagkataong ima-microwave din ni obheto ang kanyang pagkain. nung tapos na ng iba nilang kasabay na imicrowave ang pagkain ay biglang sumingit ang babaeng petite upang imicrowave ang kanilang pagkain dahil hindi naman niya alam na si obheto ang kasunod na mag-iinit ng kanyang pagkain....dahil sa nangyari, nagpaubay itong si obheto at ito ang kanilang naging pag-uusap:
kasama ni petite : ui, sya muna...
petite : ay, ganon ba? sori po. cge po, ikaw na..
obheto: cge,ok lang. ipatong ko na lang yung sa akin.
petite: cge, sa akin mo na lang ipatong. kasya naman.
at ipinatong ni petite ang lalagyan ng pagkain na roasted chicken ni obheto sa kanyang kulay berdeng baunan na may laman na kanin at inilagay ang baunan ng kanyang mga kasama at pinagkasyang pilit sa microwave... lumipas ang ilang minuto...tapos na ang timer at tumunog ang 'ting!' ng microwave at kanilang binuksan ang microwave. kunwari ay si petite ang kinuha isa-isa ang mga pagkain na nakalagay sa microwave. pati ang kay obheto ay kanyang kinuha at iniabot dito. nagpasalamat naman si obheto....pasalamat na lang at di muling nanigas si petite...kundi ay baka di sya nakaiskor sa kanyang obheto... ang they lived happily ever after..... at dyan nagtatapos ang ating kwento....
May kulang sa kwento ni tigasing Icarski...
Heto yung nachop:
Habang nagpapainit ng mga pagkain sa microwave, sinulsulan ng kaibigan ng petite na babae na tawagin ang kanyang obheto kapag tapos nang initin ang pagkain. Bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik dahil nakaabang na ang kanyang kamay sa bukasan ng microwave at binibilang ang nalalabing segundo bago matapos ang pagpapainit ng mga pagkain. Maayos at planado sana. Bago pa man tumunog nang maka-ilang ulit ang microwave, dapat itong mahadlangan ng petite na babae para hindi marinig ng kanyang obheto at nang sa ganun ay magkaroon siya ng dahilan para tawagin ang kanyang obheto para sabihing: "Mainit nah... (ang pagkain)."
Ngunit.. tila baga may ESP ang kaobhe-obheto at bago pa man tumunog ang microwave ay tumungo na siya sa pantry.
Binuksan ng petite na babae ang microwave samantalang ang kanyang kaibigan ay nanabik at nangingisi sa maaaring kahinatnan ng kanilang maitim na balak...
3... 2... 1...
Subalit, ngunit, datapuwat... habang nakatayo ang obheto ay mistulang tuod ang ating bida habang hinihintay ng kanyang kaibigan na iabot ang roasted duck ng obheto. Ngunit hindi. Inilabas lamang niya ang pagkain ng kanyang kaibigan.
3... 2... 1...
Wheeezhing!!! Tila nahimasmasan. May ilang segundo na pala ang obheto na nakatayo at saka lang niya naiabot ang roasted duck, habang nangingisi at kamuntik mapakamot sa ulo ang kanyang kaibigan.
At iyon ang tunay na nangyari... huminto ang oras nang may ilang segundo para sa petite na babae at hindi nya iyon namalayan... siya'y nanigas na naman. :op
Lola Basyang,
Hndi ko pa maiwasan ang pagtawa at pagngiti habang ikinukwento nyo ang inyong fairy tale. Ngunit ang malupet dun ay may nakalimutan kayong isama na hinirit ng petite na ito pagkatapos ng insidente sa pantry.
Bababeng Maganda na nakaupo: Natawa naman ako dun sa sinabi ni Obhento mo na ‘ipatong ko na lang sayo..’ Parang Iba ang ibig sabihin..
Petite: oo nga e.. ‘Sana sakin ka na lang pumatong.’
At ayun po..
Ang moral lesson ay ‘Do not do unto others, unto you! What are friends..ARE for?
Actually, nanggaling pala yan sa 3 emails....pero same subject ha?? pinagdugtong-dugtong ko lang...hehehe...one of the GT moments na di ko makakalimutan...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home