Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Monday, March 20, 2006

Mga Pagtatagpo

hahaha!! nakapagblog ulit ako!! akalain mo yun!! hehehe..
anyway, kwento ko na ang mga nakakakilig na pagtatagpo ng aking obheto..

Ikaapat na Pagtatagpo:

isang napakagandang pangyayari ang naganap sa pagitan ng isang cute na petite na babae at ng kanyang obheto...tinginingining.....
sa ganap ng ika-anim ng hapon, Marso 2, taong kasulukuyan, habang nagpapakarobot ang isang magandang dilag ay may dalawang lalaking lumapi sa kanya...henghenghengheng..... at kanyang nakita ang kaniyang obheto na nakangiti kasama ang kanyang bespren.

Obheto: Hello! Manggugulo lang!
Babae: Ui, hello! Baket? Hinihintay nyo si ******? Nasa meeting eh.
Obheto : Ano yang ginagawa ng program mo? Gumagawa ng plane tickets?
Babae: Di ko alam. Basta binigyan nila ako ng FS tapos kino-code ko lang..hehehe..
Obheto: Magaling ka naman eh...tingnan mo oh...dire-drecho magcode..
Babae: hahaha! asa pa!
Bespren ni Obheto: Niyaya ako nito. Miss ka na daw nya!
Obheto: Hindi, sya daw.
Babae: Namiss nyo ako! Aminin nyo na! hehehe..
....at madaming napag-usapan...

Obheto: Punta ka sa game bukas?
Babae: Oo. Kayo ba?
Obheto: Bka pumunta din. Lalaro ka?
Babae: Hindi. Cheerer lang.hehehe...e kayo?
Bespren: Hindi din. Cheerer lang din. Magskirt kami.hehehe..
Obheto: Hindi. sya lang.
Babae: lalaro ka?
Obheto: Cheerer lang din.hehehe..Ui,sabihin mo lang kung nakakaabala kami ha?
Babae: Cge, lumayas na kayo at di ako makaprogram (palibhasa kinikilig).
Obheto: cge, abalahin ka muna namin...hehehe...
...madaming napag-usapan...hanggang sa dumating ang kanilang hinihintay...

At pagkatapos makikain ng obheto dahil bday ng kastart group nila, pinuntahan pa nya ang magandang dilag upang magpaalam...akalain mo nga naman!!

Hayyyyyy.....abot hanggang edsa ang ngiti ng lola nyo..


Ikalimang Pagtatagpo
Marso 3, taong kasulukuyan...maaga akong pumasok...ang suot...spag strap na may flowers design, black pants and tsinelas..hehehe...di ko pa suot ang blazer ko nun..pagbaba ko sa kotse ni sir jessie, nakita ko si aking fafable obheto... kaya binagalan ko ang aking lakad papunta sa building...pagdating sa may hintayan ng elevator, at saktong bumukas ang elevator, di ako sumakay kasi ay di pa dumarating ang aking obheto kaya hinayaan ko nang magsara ang elevator (cguro nagtaka yung mga nakakita sa akin kung baket di ako sumakay..hehehe..). Ilang segundo ang lumipas...ting!!! dumating na si obheto...isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya...di ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na sya ay aking kausapin (dahil kadalasan, pag nakikita ko sya, ako ay nagtatransform into di-makabasag-pinggan na dalagang Pilipina..) . Ilang minuto ang lumipas...TING! may bumukas na elevator...at kami ay sumakay... at ang maganda pa sa nangyari, kaming dalawa ang laman ng elevator. siguro ay sinadya ng Diyos na kami ay magkasabay para naman masolo ko sya...hehehe... at dahil may lakas ako ng loob nung oras na iyon, naitanong ko tuloy kung saan sya nakatira...hohohoho...sa wakas!! nalaman ko din...pero kahit papano ay parang may tambol sa aking dibdib habang sya ay kasama...marahil ako ay kinakabahan...at parang may naririnig akong kanta...."can this be love i'm feeling right now..." yuck! corny!! hehehe... nung pagdating na sa floor na kanyang bababaan ay kami ay nagpaalaman na...buti na lang nauna syang umalis sa akin...kasi ako ay nababa sa maling floor..dapat sa 8th floor ako kaso sa 7th floor ako bumaba..kakahiya...hehehe...

Iyan ang kwento ng aking napakasayang mga engkwentro kay obheto...bow....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home