Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Tuesday, January 31, 2006

better than sex cake

Naghahanap ako ng recipes ng cakes sa net ng mabasa ko to sa isang better than sex cake recipe:
"Gets better with age, just like sex."
Napaisip tuloy ako...paano kung 70 years old na?? It comes with age pa din?? saka meron bang 'better than "better than sex cake" cake'?
Hirap ng walang magawa....

approved na VL ko for Feb 16-17...yezz!!! bakasyon na to!! hehehe...sana matuloy UP Fair namin ng malditas sa Feb 15, tas punta naman ako sa Lb ng 16-19. ayoz!!! tinanong tuloy ako ng TL ko "May Valentine's vacation ka ba? " ...josko po...how i wish nagcecelebrate ako ng valentine's. eh wala nga akong chorva...kahit naman meron wala naman difference ang valentine's day sa ibang araw, di ba? hehehe...bitter ocampo in the haus!!! hahaha!!

sa mga balak magbigay sa akin ng flowers sa Valentine's day (asa pa ako), pede pong chocolates na lang??hehehe...

eto pa isa kong nabasa sa notes namin sa chocolate making class: "Chocolate contains phenylethylamine, or PEA. PEA is a chemical also found in the brain and is responsible for raising blood pressure and increasing heart rate; it is released when feelings of lust or passion is present. No wonder chocolates make you feel like you're in love!". Kaya kuntento na ako sa chocolates...hehehe...

Kahapon ay may sablay moment na naman ako. Nasa supermarket na kami ni Carlo at ako'y bumili ng babaunin ko saka ng chocolate drink. Nung magbabayad na ako, di ko makita yung wallet ko. Hay nakow! Nalimutan ko sa ofis! Tas itong si Caloy eh nangunguripot (peace Carlo!). Wala din syang pera. Buti na lang may 150 pesos pa sa coin purse ko. Kaya binawasan ko na lang yung dapat kong bayaran para mapagkasya ko yung pera na pambili at pamasahe. In fairview, nilibre ako ng pamasahe ni Caloy sa bus papuntang Guadalupe at ako naman ay nakauwi ng maayos sa aming apartment.hehehe... Thanks Carlo!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home