Muling pagtatagpo
Nakalimutan kong ikwento ang muli naming pagtatagpo ng aking obheto noong lunes...ganito ang kwento....tinginingining....
Ako ay maagang pumasok dahil ako ay nanggaling pa sa bulacan...ang probinsyang aking sinilangan. Pagpasok ko sa opisina, hindi ko mawari kung anong magnet ang naghila sa akin upang ako ay lumingon sa pantry (sapagkat ito ay aking madadaanan papunta sa aking cube). Paglingon ko ay nakita ko ang aking obheto. haayyyy...first thing in the morning, sya ang nakita ko. dahil sa kasabikan na sya ay aking mabati man lang, ako ay nakaisip ng isang paraan upang ako ay kanyang mapansin. TING! dumiretso ako sa pantry, tumungo sa may ref at kunwa'y may ilalagay dun (kahit wala). Sya ay napalingon sa akin, kanya akong binati ng 'Uy!' at ako'y binigyan ng isang matamis na ngiti. Sya ay binati ko din at binigyan ng isang simple ngunit abot hanggang tengang ngiti...haayyy...nanigas na naman ako at hindi man lang nakaapuhap ng sasabihin upang kami ay may mapag-usapan..
Pang-apat na pagtatagpo....
Kaninang tanghali ay napag-usapan namin ng malditas na pumunta sa rob para bumili ng merienda ko at maglaro sa Tom's World. habang hinihintay namin sa kambeng sa kanyang pagbaba mula sa ikawalong bundok ay sya naman paglabas ni obheto. Sya ay papunta din sa Rob at may tsansa na kami ay magkasabay sa elevator. Nang biglang 'TING!'. bumukas ang elevator. Sa kagustuhan na sya ay makasabay, idinalangin ko na sana ay andun sa elevator na yun si kambeng. ngunit sa kasawiang palad, sya ay wala dun! Josko!! Kambeng, it's all your fault kung baket di ko sya nakasabay!!waaaahhhh!!!
pagdating sa supermarket, akalain mong andun si obheto at namimili din. Nagkataon na magbabayad na kami pareho ng aming mga binili. Syempre, magkasunod kami sa pila. Binati nya ako ng 'Uy!' (nga pala, endearment namin yun.hohoho..feeling ako!! hahaha!!). Sa hindi malamang kadahilanan, ako ay hindi nakakibo at ngiti lang aking itinugon sa kanya. Hay naku ako!! Tameme na naman... Dahil doon, ako ay niloko na naman ng aking mga kaibigang maldita. Dahil sa lokohan, ang sales lady at ang bagger ay nalaman ang aking kahinaan at nakikitawa na din sila.
Hay!! kailan kaya kaya ako makakapagsalita ng maayos at makakausap sya pag sya ay kaharap ko na? Kailan....kailan..kailan mapapansin ang aking lihim...kahit anong gawing lambing, di mo pa din pansin...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home