Serious mode
Haller!! hehehe...sensya na...wala talaga akong ginagawa ngayon eh..whole week na akong nakatunganga...kakabato din kung minsan...kung ano-ano maiisip mo na walang kawenta-kwenta...kaya serious mode muna tayo ngayon...
naalala ko yung sinabi ni jowawa sa akin minsan na kapag kinukwento ng taong gusto nya yung gf nya, para syang nasa torture chamber na tinutusok ang puso.minsan hindi lang tinutusok...pinipiga pa na parang hindi ka makahinga...ayun naman eh!!hahaha!!!corny pero totoo. hindi mo talaga alam kung ano yung mapi-feel mo...kulang na lang isigaw mo sa kanya "Oi! Manhid ka ba? Nakakasakit ka na eh!". hay nakow...di yata ako sanay magsulat ng ganito..pero sige, tuloy natin... iyon...ang mas masakit dun, kung magkaibigan pa kayo...na minsan gusto mo na syang iwasan at iwanan pero di mo magawa kasi feeling mo mang-iiwan ka sa ere o kaya baka bigla kang sumbatan ng kaibigan mo na yun kasi bigla kang nawala...di mo din naman masasabi ang dahilan di ba? kung sasabihin mo, ano naman ang susunod na mangyayari? Wala. Dedma. Baka mapahiya ka pa. So better na manahimik na lang...o ibaling sa iba ang atensyon..magpakabusy at magpakapagod para wala ka nang oras isipin yun..pag pagod ka na, diretso tulog na di ba? At least di mo naisip yung problema mo na kung iisipin mo medyo wala syang kwenta pero ang laki ng epekto sa iyo...minsan naman alam mo yung tamang gawin pero di mo magawa...kaya ang nangyayari, you still suffer dun sa consequences ng situation...
"Some things are just not meant to be..."..lagi ko iyan sinasabi sa friend ko...may mga bagay na gusto natin makuha pero di natin makuha..may mga taong gusto natin makasama pero sa malas di mo makasama..at may mga bagay na gustong gawin na hindi mo magawa...kasi siguro, hindi meant or destined para sa atin yun...may reason/s at kung ano man yun, hindi natin alam...malalaman lang natin kung we'll analyze things and look at the brighter side...minsan kasi nabubulag tayo ng mga "pagkabigo" at pagkalungkot natin dun sa failures na yun.magmumukmok at ngangawa kasi hindi natin nakuha or nagawa yung gusto natin.is it okay na maging malungkot dahil sa failures pero after nun, we have to move on and make other things happen. ayuhnuhmuhnpuhluheh!! akalain mong naisip ko yun!! hahaha!! di yata talaga ako sanay ng ganito...tama na nga!!
pero kung gusto nyo ng seryosong usapan...may serious side din naman ako eh...yun lang...wala na akong maisip...nababaliw na ako...hehehe...
"Take things slowly and enjoy life!"

0 Comments:
Post a Comment
<< Home