Overdue
Overdue kasi dapat July 27 pa lang ni-post ko na tong entry na to noh? Nalimutan ko lang...hehehe...
Last July 26, may scuba diving lesson kami sa aqua-one sa makati. sa pool lang naman. ayun. 1 hour din kaming naglublob sa pool. natatawa sa akin yung mga instructors dun kasi nangungulit ako. Kasi naman, sabi nila, 4.5 ft ang lalim ng pool..aba eh pagbaba ko eh halos di na ako makita! Jusko day! Tas sabi ko "sabi nyo po 4.5ft lang, eh baket di ko abot?". sabi ni Pong (yung instructor) "Eh ano ba height mo?". Sagot ko "5ft po.". Ask ulit nya "Ano yan, self-declared?". sagot ko "Hindi naman po...5ft talaga ako!". hehehe....defensive! hahaha!!
Tas, jonathan offered us swimming lessons every saturday... go ako jan!! kaso baka june pa ako makapagstart since puno na sked ko until end of may...hay...hirap ng buhay artista..hehehe...gusto ko talaga magswimming lesson kahit marunong na akong lumangoy! Gusto kong magpakasirena! yippee!!!! saka wala talaga akong exercise so iyon na lang cguro...kaso kelangan ko pang bumili ng swim suit...papasexy muna ako! hehehe...
1 Comments:
salamat alessi! isa kang tunay na kaibigan...hehehe..
Post a Comment
<< Home