Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Friday, March 24, 2006

Di alam ang gagawin

Pudpod na ang hintuturo ko kakapindot ng mouse...dumudugo na ang utak ko kaiisip kung anong dapat gawin...kinakalyo na ang pwet ko kakaupo sa aking silya..masakit na ang mata ko kakatitig sa monitor sa harap ko...sumakit na ang ngala-ngala ko sa pagtawa sa mga kachat ko..sumakit na ang puso ko sa mga pag-iisip sa mga bagay na hindi ko naman dapat pag-aksayahan ng panahon sa pag-iisip...umusok na ang telepono sa telebabad na ginagawa ko..nahalungkat ko na yata ang friendster ng mga kaibigan ko...nabasa na anim na daang mails na matagal nang nakatambak sa mailbox ko...ano bang dapat kong gawin? hirap ng walang ginagawa...pero pag madami naman ginagawa, nagrereklamo din. sala sa init, sala sa lamig...Lord, di po ba pwedeng balance? yung tipong may ginagawa ka pero may panahon ka pa din pumetiks. hindi yung may ginagawa ka, pero halos hindi ka na humihinga sa dami ng ginagawa...o kaya naman, wala kang ginagawa, hindi ka pa din humihinga dahil namatay ka na kakaisip kung anong dapat mong gawin para di ka mabagot sa kinauupuan mo..hay buhay...kung laging ganito, hindi malayong hindi ako makatagal sa trabaho ko...
pero ano nga ba talaga yung gusto ko? minsan naisip ko mamimitas na lang ako ng ubas o kaya mamumulot ng mansanas sa ibang bansa...kumikita na ako, nakakatsismis pa ako...hehehe...di pa dumudugo ang utak ko sa pag-iisip ng letseng logic na dapat ilagay sa program na na-assign sa akin...tas biglang ibabalik sa iyo kasi mali pala yung specs na binigay nila...talaga naman!!
hindi ko din makita ang sarili ko na maghapong nakaharap at nakikipagtitigan sa monitor...na kapag medyo nasa katinuan ang pag-iisip ay biglang magsasalita ng "sabi na at ganon yun eh! letse!sana kanina ko pa ginawa!"
mag-asawa na lang kaya ako? kaso sino naman mapapangasawa ko? eh wala naman akong bf saka wala pa din magustuhan...saka sana yung maayos yung sweldo na kayang buhayin ang magiging pamilya namin...dun na lang ako sa bahay...maglilinis ng bahay, magluluto, maglalaba, magpaplantsa, mag-aalaga ng bata...pero di naman to the point na katulong na ang labas ko ha? hehehe.. tas pede na magbusiness habang nasa bahay para kumikita pa din di ba? saka sana yung mapapangasawa ko eh yung gwapo (pede na din yung cute..basta presentable at hindi aabutin ng kung ano-anong pintas..anti-karma! wushu!! shield!!), mabait, kahit hindi katalinuhan basta may sense kausap at sense of humor, hindi chickboy, responsible, thoughtful, sweet...meron ba nito? hehehe...pag ganito hahanapin ko tatanda akong dalaga...hehehe...
hay nakow! baliw na talaga ako! hahaha!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home