Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Monday, May 08, 2006

I Love You Mom!

Monday na naman...grabe! Katamad pumasok! From bulacan, direcho ako sa ofis with matching sobrang bigat na saging at mangga. Pinadala kasi ni fader, eh nahiya naman ako sa pag-exert nya ng effort so dinala ko na. Pero sobrang bigat talaga, as in! Niweys, sa sunday mother's day na. Sadly, wala ako sa bahay kasi may team building kami sa batangas.
Kaninang umaga, gusto kong umiyak nung paalis na ako sa bahay. Laging ganon yung napi-feel ko pag umaalis ako sa amin para bumalik sa work. Lalo na pag hinahatid ako ni mother sa sakayan. My mother loves me/ us so much. Imagine, she woke-up 4:30 am para lang ipagluto ako ng breakfast. Tas gigisingin nya ako prepared na yung breakfast ko. Tas ipeprepare nya yung mga dadalhin ko para bibitbitin ko na lang pag-alis ko. Every little thing na ginagawa ng mother ko ay sobrang appreciated ko though minsan hirap nyang intindihin. These things make me love her more. I know I can't live without my mother kahit na sobrang independent kong tao. I love her so much kahit di ko nasasabi, naipapakita or naipaparamdam sa kanya yun. Pero sana alam nya yun. Sa mother ko, Happy Mother's Day! Love you!!
Pati na din si Tata, love na love ko kahit madalas di kami magkaintindihan kasi lagi akong tinatanong pag di ako nakakauwi or kasi sobrang strict nya. Pero kahit ganon, sobrang love ko parents ko saka family ko.
Aga-aga, nagsesenti ako...hehehe....pero naiiyak ako while writing this entry...iyaken!! hahaha!

Pahabol - nagkita ulit kami ni eybee nung sat after more than a year nang di namin pagkikita. Katuwa! Sobrang namiss ko yung taong yun. Sabi ko tuloy sa kanya "Dahil matagal tayo di nagkita, pagsisilbihan kita." Hehehe...Ginawa ko naman yun. Kahit matagal kami di nagkita, katulad pa din kami nung dati. Gaguhan kung gaguhan...Hay! Miss you bestfriend!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home