Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Wednesday, March 29, 2006

Malikot na Imahinasyon

Ang inyong mababasa ay dulot lamang ng aking pagkabagot at malikot na imahinasyon... ang mga pangyayari ay hindi halaw sa totoong buhay...hayunamanpaleh!ampucha! drama mode na to!

Sakit sa puso

Sakit sa puso – siguro yan yung sakit na makukuha ko dahil sa iyo. Simula nang makilala kita, unti-unti kong naramdaman ang mga simptomas ng nakamamatay na sakit na iyan.
Dumating ka sa buhay ko sa panahong di ko inaasahan - tahimik, masaya at kuntento sa aking buhay at kung anong mayroon ako. Pero sa pagdating mo, biglang nagbago ang aking mundo. Nawalan ng organisasyon ang aking buhay. Pagdating sa iyo, sira lahat ng plano ko. Kapag ikaw ang nagyaya, di kita matanggihan kahit may ibang bagay akong dapat pagkaabalahan. Kahit isang tawag o text mo lang, ‘go’ agad ako kahit may ibang plano na nakapila.
Sa pagdating mo, kasabay nun ang pagkadama na hindi ako masaya at kuntento sa kung anong meron ako. May kulang pa pala at mas makakapagbigay ng saya sa akin. Iyon ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama tayo. Ipinaramdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga, kung gaano ako kaespesyal sa buhay mo. Lagi kong ipinagdarasal na sana huminto ang oras at hindi na tayo magkahiwalay pa. Na parang walang ibang tao sa paligid natin. Na parang may sarili tayong mundo at masaya sa kung ano tayo ngayon. Na sana sa tuwing matutulog ako at magigising ay nakayakap ako sa iyo at mukha mo ang nakikita ko. Mawala ka lang sa paningin ko, di ko lang marinig ang boses mo, pag wala akong narereceive na isang text galing sa iyo, namimiss agad kita. Sana….sana lagi tayong magkasama.
Hindi ko namamalayan unti-unti na pala akong nahuhulog sa iyo. Kahit alam kong wala naman patutunguhan kung anong meron at kung ano tayo ngayon. Kahit hindi ko alam kung saan ko dapat ilugar ang sarili ko sa buhay mo. Kahit sa banding huli ay ako pa din ang masasaktan at maiiwan.
Siguro nga mahal na kita. Kahit alam ko at alam mong may mali. Masaya tayo, pero may nasasaktan tayong tao. Buti pa ang ibang tao, naiisip natin. Samantalang ang sarili ko, di ko naiisip na nasasaktan ako kahit damang-dama ko. Nagpapakamanhid para sa mga sandaling kaligayahan tuwing kasama ka.
Sakit sa puso – iyan ang nararamdaman ko ngayon. Na sa tuwing naiisip kong may mahal at may kasama kang iba kapag di tayo magkasama, para akong nasa torture chamber. Parang tinutusok ang puso ko hanggang sa magdugo, pinipiga na parang di makahinga at ang pansamantalang gamot ay ang pag-iyak sa sakit na nararamdaman.
Sakit sa puso – isang traydor na sakit na hindi ko alam kung kailan aatake ulit. Na sana ang susunod na pagsikip ng dibdib ay kayanin ko pa din.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home