Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Sunday, February 26, 2006

missing blogging

after more than a week, nakapagblog ulit ako...kasi naman blocked sa ofis eh...
anyways, dami nangyari since last week...
feb fair - nagpunta ako sa LB Feb 16 pa lang. kasama ko si mau..eon..tambay sa booth..kain sa LB square ng dinner...tas nung mga 11pm na, gimik with gameroom pips sa bagong tambayan ng tropa...videoke hanggang sa malatin...inom...chikahan...at nabuhay na naman ang issue sa amin ni ralph...hehehe...tagal na din pala nun..one year na...pero wala na yun ngayon..hehehe...
friday, feb 17. syempre, tambay ulit sa booth. one unforgettable na pangyayari...nagkita kami ulit ni mawmaw sa booth nila...tas ayun, medyo nalasing...hehehe...
saturday, feb 18 - nothing much happened...i met mike na sa sami ng plans namin nung feb fair eh di kami nagkita...tas yung pauwi na ako nun kami nagkita nang di sadya..hehehe...it's nice to meet you mike!next time mo na lang ako treat..hehehe..ano pa ba? hmm... daydreaming whole day and night..kung baket, sa amin na lang ni mawmaw...hehehe...
sunday, feb 19 - EK with joana and her sisters with their jowawa...biglaan lang yung pagsama ko pero masaya!! grabe!! first time to ride space shuttle...nung una, minumura ko talaga si joana kasi sya lang nakapagpasakay sa akin dun...then nung bumaba nya...wolongyo!! di na ako nakapagsalita...kahit sigaw di ko nagawa!! hahaha!! kakahiya...saka kasi closed yung anchor's away kaya memorable naman yung pagpunta sa EK, sumakay na din ako sa space shuttle...after nun, hilong-talilong ang lola nyo...di ko alam kung mauulit pa yun..pwamis!!
the whole week akong busy sa ofis...tas extended pa ako sa new team ko until May...kasi originally, on-loan lang ako dito sa team until end of March tas balik ulit sa dati kong team..pero sabi nila na I'm doing a great job...aheemmm...yabang!! kaya ako pinaextend...asa pang I'm doing a great job eh ang tamad ko...hehehe..
nga pala, tabi-tabi lang po sa mga taong assuming...sana wag masyadong mag-assume...tas yung assumption pa eh sasabihin sa ibang tao...please lang...magkape ka muna para nerbyosin ka sa sinasabi mo...yun lang...hehehe...di kita inaaway ha??nabadtrip lang talaga ako sa nalaman ko...

Wednesday, February 15, 2006

Tapos na!!!

Sa wakas!! Natapos ko din yung program na ginagawa ko...langya!! Overdue..hehehe...pero di ko naman fault kung baket overdue yun... medyo nakakainis na hindi kasi yung isang program na ginawa ko for two days na inaral ko pa ang tinatawag na 'dialog programming' eh di ko naman nagamit...pero oks lang...may natutuhan naman ako..hehehe...

kagabi, joana and I met at Glorietta. eon, dinner sa Chef kasi mura, then we went to Starbucks at 6750. Kahit kaming dalawa lng, masaya. Syempre, kwentuhan ever! tsismisan sa mga nangyayari sa aming masaya ngunit komplikadong buhay (ahyuhnuhnmuhnpuhluheh!!!). I realized na hindi lang ako ang nasa isang complicated na sitwasyon,pati sila!! hahaha!! mas malala pa... kung ano yun, sa amin na lang...

Lilipat na si strongteeth dito sa laharlandia sa 23...isa na lang kumpleto na kami... HB, sabihin mo ayaw mo na din ng ginagawa mo...sabihin mo parang interesado ka sa BW para ilipat ka na din...hehehe..

Nabasa ko lang sa flooding namin ng malditas:
"Happy February Fools Day... It's the day when lovers make fool of themselves by being extra sweet chuva choo choo with roses and candle lit dinner etc etc. Why do it on a Feb Fools Day when you can do it anytime? Crap.- Bitter Ocampo in the house".
So true!! hahaha! bitter!!!

Nakakatuwa..okay na ulit kami ni Kingmaw aka uhogske..hahaha!! ang panget!! kala mo ah! back to normal...parang walang nangyari...and happy ako... uhogskee aka siponskee, kita-kits sa Firday!! food trip tayo!! hehehe...

Bukas, start na ng weekend ko!! See you sa LB!!

Tuesday, February 14, 2006

HV!!!!!

Happy Valentine's Day to All and Happy Single's Awareness Day to HB and Strongteeth (para na din sa akin...hehehe..)..pati din pala kay Jowawa...
Sa mga may balak magbigay sa akin ng flowers (assuming ako), chocolates na lang...hehehe...
Kay mamau and jowawa, kita-kits mamaya somewhere!! Pagbubuhulin ko kayong dalawa...hahaha!!!

Hayyy...another day for me...and another busy day na naman...kaya kelangan isingit ang pagba-blog before ng work..kaso wala naman akong maisulat eh...wala na kasing pumapasok sa isip ko...

Anyways, kagabi ay nagdinner ako sa Italliani's sa Greenbelt with my counseling family...syempre magpakabusog...walang demure-demure...kain kung kain...hehehe...masaya naman in fairview...at nakasundo ko naman silang lahat....at eto pa, yung counselor ko (girl sya) ay 5'9 ang height...walanjo!! tinalo pa si dory!! lalo akong nanliit dun...hehehe...

Masaya ako ngayon...basta!!!

o sya!! back to work!! sa mga may date, enjoy!!!
sa cps pips, see you sa thursday!! gimik na to!! pero di ko libre...hehehe...

Friday, February 10, 2006

happy weekend!!!

Weekend na ulit!! Yippeee!!! 2 days na naman walang pasok...
pero di ako uwi sa bulacan...punta kasi kami somewhere out there with my hausmates...
baka punta din ako sa cubao at maghahanap ng ingredients para sa akin chocolate truffles... nakalimutan ko kasi kung saan yung sinabi nung chocolate making session namin eh..di kasi ako nakikinig...
hay, in fairview, productive ako ngayon araw na ito...almost tapos na yung program na ginagwa ko. hinihintay ko pa kasi yung sagot nila sa issues na naraised ko...
natawa ako sa video ng 'Ulam' nila Michael V. sa Bubbler Gang. Nakakatawa kasi parang kanta ng tropa namin yun...'Lagi na lang walang ulam, nagsweldo lang nung katapusan'...hehehe... yung mga ulam kasi namin eh para kaming di kumikitang kabuhayan...hehehe...pero okay lang. kahit mga puro preservatives ang ulam namin, naaappreciate naman namin yun at masayang pinagsasalu-saluhan...ayun naman eh!! hehehe...
may napansin lang ako dito sa mga kalalakihan dito sa kabilang wing ng floor namin... puro mga tsekwa na hindi class A di tulad ng aking obheto. kumbaga sa bond paper, yung obheto ko corona...yung mga nakikita ko dito eh yung nabibili sa sari-sari store na 3 piso...anti-karma!! wushu!! shield!! hehehe...patawarin po sana ako sa aking pamimintas. kung makapintas ako parang napakaganda ko...hehehe...
mukhang makakareceive ako ng flowers ngayong VDay ah...nagtatanong kasi yung mga team mates kong lalaki kung ano gusto namin color ng rose...sa akin kahit ano... di kasi ako mahilig sa roses eh..sana chocolates na lang...pero syempre nahipuan (touched) ako sa effort nila..
ang sakit ng likod ko... ilang araw na din ganito...as in sobrang sakit na parang di normal na back pain lang...naiiyak na lang ako sa gabi lalo na pag malamig kasi ang sakit nga...di ako makatulog ng maayos.
next week, wala ng blog...blocked na dito sa ofis..uhuhuhuh....ano na mangyayari sa sambayang Pilipinas??? waaaahhhhh!!
sya!! Happy weekend sa lahat!!! ciao!!

Thursday, February 09, 2006

Malditas' Luntz

Another day for me!! Cguro dapat kong sabihin, another challenging day for me...
Second day ko pa lang dito sa bagong team na nilipatan ko, may gagawin na agad ako...jusko! e di ko pa nababasa yung mga standards nila noh? Pero okay lang...kaya ko to!! pero minsan, kakapagod din... lipat nang lipat... laging adjustments...di naman ganon kadaling mag-adjust eh... so far, kaya ko pa...pero hanggang kailan? sa pagputi ng uwak? o sa pag-itim ng tagak? hehehe...
naaalala ko ang mga masasayang luntz namin ng mga kaibigan kong maldita. Eto ang ilan sa aming menu (ito yung every week na expected na makikita):
1. Nangunguna ang tuna. Halos everyday yata mayroong may baon sa amin ng tuna. iba-ibang flavors - mechado, menudo, afritada, kaldereta - at da best (ahem...) yung hot and spicy tuna with cheese and egg (di po omelet 'to). Okay lang.Good for the heart naman..hehehe..
2. Itlog na maalat with kamatis - every week may baon na ganito si abby. hehehe... pero masarap in fairview..
3. Instant sisig
4. Fried chicken - ito yung madalas na baon ni ice...
5. pritong isda ni abby - minsan ang liit, kahit kay abby di kasya..eh paano naman kami?? hehehe...

Para kaming mga hindi kumikitang kabuhayan noh? Gayunpaman, kahit ganyan lang ang aming mga kinakain ay ang mga pagkain na yan ay aming masayang pinagsasaluhan...ahyuhnuhmuhnpuhluheh!!

Wednesday, February 08, 2006

A Whole New World

A whole new world --- yez!! bagong team na naman -- 8 months na ako dito sa company and I've already joined 4 teams!! ay jusko! mahirap pero masaya..ang masaya kasi dun, I've met a lot of people na kung hindi pa ako palipat-lipat ng team eh hindi ko makikilala...yet bagong pakikisama na naman...pero sureness naman ako na makakasundo ko silang lahat (sana...knowing myself...sa daldal kong ito...hehehe...). kambeng and b1, magkakasama na tayo sa 8th floor... dyosa at abby, mamimiss ko ang pagdalaw ko sa cubes nyo...huhuhu..parang di magkikita-kita noh? hehehe...
Next week feb fair na...excited na akong bumalik sa LB!! Saka excited na akong makita yung isang tao na 3 months ko nang di nakikita....sana magkita kami...nakakamiss kasi yung taong yun...

back to work!!! ang lamig dito....brrrrrr....

Tuesday, February 07, 2006

Cry Baby

I was on SL yesterday because of my letseng back pain...tagal na nito ayaw pa din mawala...
Namamaga ang aking napakagandang mata ngayon dahil kay Banzee...napaiyak kasi ako sa hirit nya na medyo below the belt....actually di ko expected na maiiyak ako sa hirit nya kasi matagal na yung issue na iyon (kung ano man iyon, sa amin na lang). Kulang na lang humagulgol ako...hehehe...at di ko din maisip kung baket ako umiyak..hahaha!! pero syempre, bukod sa pang-aasar ni Banzee, may mas malalim pang dahilan...
Hay naku..hirap talaga ng walang magawa....pag naman may ginagawa, nagrereklamo...sala sa init sala sa lamig!! hehehe...
to all globe users, permanent na daw yung unlimited....sorry na lang ako kasi naka-line ako (yabang!! hehehe..). pero syempre, may sim ako na pang-unlimited..hehehe...
at last! nakapag-open din ako ng friendster ko after more than a month...ang tagal na din pala...hehehe...nag-update tuloy ako ng photos saka profile...
last sat nyt, napanood ko yung "Magnifico" na movie. Noon ko lang napanood yun pero maganda pala yung movie. Naiyak ako sa huling part..anyways, iyakin naman talaga ako...hehehe.. pero ganda ng story ng movie...
February 14 is coming...oh well...what's with Feb 14? wala lang.Nasabi ko lang.hehehe...

Friday, February 03, 2006

Isang kachorvahan

Friday na! Yez!! Meaning, weekend na naman...
One week na pala akong nakatunganga dito sa ofis...'paid bum' sabi nga nila. Halos lahat ng blogs ng mga kaibigan ko nabasa ko na, lahat ng taong nasa YM list ko nachat ko na...gusto ko din itry yung ginawa ni jazz sa YM nya, kausapin ang sarili...magandang ideya!! thanks jazz!! hahaha!! kung ano-anong YM status na din ang naisip ko...natapos ko na din basahin yung Digital Fortress (okay lang naman sya...medyo di kagandahan yung ending pero maganda na din). Ano nang gagawin ko?? josko!! kabaliw!!!
Sana nagleave na lang ako ngayon at nagpapakapagod sa paglalakad sa mall at iingitin ko ang sarili ko sa mga bagay na nakikita ko doon at gustong bilhin pero di ko mabili...poor icar!!! tsk! tsk!
aha! may nakita akong bagong gagawin...nakita ko sa monitor ni loiue na kasalukuyang nagsosolve ng puzzle...ayos!! hahaha....
kaninang umaga, nagising akong malaki na naman ang aking bagahe sa mata....as always sabi nga ni payatot...kasi naiyak ako sa sobrang pag-iisip na kung ano ba gusto kong mangyari sa buhay ko...ayoko na maging programmer!! napakaboring josko!! ano kaya kung tanungin ako ni bossing tas sabihin ko 'Kahit ano po basta hindi ako mag-iisip...'. hahaha!! baka sibakin ako sa trabaho...hehehe...

kahapon, maaga akong umuwi pero tumakas lang ako...sa pagtakas, nung bumukas yung elevator, lumabas yung manager namin...buti na lang hindi kami napansin..sa pagmamadali na magtago, pumasok kami sa elevator na bumukas. hindi namin napansin na 'up' pala yung elevator. kaya ayun, napaakyat kami ng di-oras na sana ay pababa ang aming dapat sakyan...

my YM status for today: 'Kaibigan mo lang ako...I was never your partner..I'm just you're chorva! Hmpf! Tswe!'

Thursday, February 02, 2006

Missing Kingmaw

Happy birthday yao-ming!!! libre na to!!! hehehe....thanks sa ice cream abby!! saka sa free na party cake...hehehe...tsarap!!! ;-)
mawnin!! akalain nyong 8:30 pa lang eh andito na ako sa ofis...o ha!! aga noh?? hahaha!! feeling ko ang ganda ko ngayon..feeling ko lang...hehehe...
unti-unti kong nararamdaman na ako'y nagiging isang ganap na matakaw na...hehehe...josko!! 9am, nagugutom na ako. buti na lang dumating si mitch, ang aking katabi sa cube na mahilig din kumain at sakmo, nagugutom din sya. kaya sya ay niyaya ko sa rob para bumili ng aming makakain..
sana tuloy timezone namin mamaya ni carlo (hi carlo! *winkwink*). saka yung libre ni banzee na pizza!! (thanks banzee!!). saka banzee, kung ano man yung balita mo kay ****, good for him. sana masaya sya....plastik!!! hahaha!!
kagabi, another sablay moment na naman sa akin. nibuksan ko yung electric fan sa room namin, nagtataka ako baket ayaw bumukas eh naka-on naman. yun pala, ibang cord yung nakaplug.hahaha!!!josko!! shunga!! hahaha!!
another boring day for me...mukhang matatapos ko nang basahin yung Digital Fortress ah?hehehe...or kakain na lang kami ni mitch maghapon...hehehe...o kaya magsusulat na lang ako ng article...kaso di ko alam kung ano ilalagay ko dun...
namimiss ko na si *****. 10 days of no communication.kasi naman, kelangan ba talagang mag-away? joke time lang naman talaga sa akin yung sinabi ko tas nagalit sya. sabi ko naman sa kanya dati na expressionless yung email, na baka mamis-interpret yung mga nakalagay dun. mukha ngang ganon yung nangyari...kaya ayun, di kami bati ngayon...huhuhu... wala na akong movie and timezone buddy...wala na akong textmate na matindi-tindi kung humirit... wala na din yung kapalitan ko ng jokes...haaaayyyyyyyy.....lately tuloy di ako makatulog ng maayos dahil sa nangyari. do i really need to say sorry? i think so, pero mauna muna sya (parang bata eh) kasi sakit ng sinabi nya. Just one "sowi" and I'll forget everything...pwamis! *winkwink*(hayuhnuhmuhnpuluhweh!) paano kaya pag bigla kaming nagkita sa Feb Fair? papansinin ko kaya sya o dedma na lang? hahaha!! babaw ng problema ko. nakakapanibago lang kasi na biglang mawawala na lang yung taong sobrang nasanay na lagi sya yung kausap ko saka sabihan ng mga sentiments ko. ... kaya sa hausmates ko, wala na kayong mababasa na texts sa fon ko na galing sa kanya, hokay? but still, itatago ko pa din fon ko sa inyo! baka may iba kayong mabasa....harharharhar!
hay nakow!! hirap ng walang magawa...kung ano-ano naiisip..magbabasa na nga lang ako!

Wednesday, February 01, 2006

Mga drawings ko sa buhay...

Drawing - puro plano pero hindi naman natutuloy...

Ito ang mga plano/drawing ko ngayong darating sa Feb Fair:
1. UP Fair sa Diliman with malditas - sleepover kila jazz tas videoke!!
2. punta sa LB sa 16 with mau. Food trip to the max!!!
3. Punta sa IRRI with CPS para doon maglunch.
4. Tumambay maghapon.
5. Magpalibre.
6. Inuman.
7. Tambay sa booth sa gabi.
8. Mang-hunting ng crush.
9. Mambwisit ng tao.
10. Mang-away ng isang kaaway (kala mo ah!)
11.Punta sa Dampalit Falls (sana pede)
12. magvideoke!

Ito naman para sa 14th month pay na makukuha ko sa March:
1. Bigay kay mader yung 5K para pandagdag sa gastos sa fiesta sa May
2. Bigay kay kuya para sa bday ng pamangkin ko
3. Trip to Bohol
4. Punta sa galera
5. Beach ulit sa kung saan
6. Bday celebration

Ay jusko!! kakasya ba yung 14th month pay ko?? hehehe...bahala na...hahaha!! sana may matuloy kahit isa...hehehe...

robot in the making

Bad hair day... bad news.... hay.... bad hair day kasi nalimutan kong bumili ng hair polish para sa aking lotlot na buhok kaya ang panget tingnan eh di pa naman ako nagsusuklay..hehehe....at di sya naiayos kasi sobrang late na ako....8:30 na ako nagising!! walanjo!!! tas biglang may email...."old proxy server deactivation" .Meaning, wala ng blog, wala ng ibang chorva sa net dahil blocked na... anak ng tipaklong naman oh!! Kami'y magiging isang ganap na dakilang robot dito sa planetang dynpro... huhuhu... wala nang dahilan para ako'y tumawa pang mag-isa muli dito sa aking cube (pwera na lang kung may flooding ulit from malditas...)... wala na akong buhay kundi itong aking monitor... mababaliw ako!! waaahhhh!! magdadala na nga lamang ako ng sandamakmak na libro para aking mabasa..kahit science books babasahin ko na (over!!! hehehe..)..

Another sablay moment for me...sa pagmamadali kong maligo kanina dahil ako ay sobrang late na, ako ay nahilam ng shampoo dahil nagamit ko itong facial wash...josko!! wala ako sa sarili ko... at hanggang ngayon ay masakit pa ang aking mata....huhuhu...

natawa ako dito:
jolog: hello macho (di totoong pangalan)! what a cute dress you have!
macho: it's not a dress!
jolog: you look like little red riding hood!
macho: and it's not even red! orange to no! color blind!!!