Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Monday, April 24, 2006

1st Year Anniv

Yesterday (Sunday) was a wonderful day for me. Special day syempre! **** and me celebrated our first year anniversary. Yey! One year of great friendship. Ayun. Nagmeet kami sa glorietta. Kain, nood ng movies, coffee sa starbucks, timezone! Natalo ako sa basket pero quits lang sa racing.hehehe…Pero kung points sa basket ang pag-uusapan, either lamang ako sa kanya o quits lang kami. Practice-practice bah! Hehehe.. “Eight Below” is a good movie – siguro. Di ko masyadong naintindihan. Kulet kasi ng kasama ko. Feeling ko kami yung dahilan kung baket umalis yung mga katabi namin. Hehehe…Okay din yung “Hills Have Eyes” – sabi nya. Pero ayoko kasi ng ganoong thriller movie. Hay jusko! Habang sya ay tuwang-tuwa sa panonood, ako naman ako nakatakip ang mata. Di ko talaga kaya yung mga ganoong movies kasi feeling ko nandun din ako sa movie! Hahaha! Nung nagcoffee kami sa starbucks, binili nya ako ng mocha frapp. Di ko naubos kasi nagpalpitate ako. Mahina ako sa kape eh.Hehehe…Di ko din nauubos yung pagkain ko – we ate at Sbarro saka World Chicken. Pag ito kasama ko, ang hina ko kumain. Ewan ko ba kung baket! Nakakakita kasi cguro ako ng panget! Hahaha! Peace!
Eon. Mga 7:30pm na kami naghiwalay. Masaya! Enjoy! Sana sya din nag-enjoy. Saka I really appreciated yung effort nya na magkita kami. Pati din yung gift nya na perfume. Ginamit ko na! Hehehe… Katouch din kasi naappreciate din nya yung gift ko sa kanya.
I realized na sobrang namiss ko tong taong to…months din kaming di nagkita…namiss ko yung kulitan pag magkasama kami…Sana maulit… Hope to see you soon! Sana ASAP.Hahah! demanding! Hehehe...
Di ko yata kaya na mawala yung taong ito sa akin…Special kasi sya…ayuhnuhmuhnpuhluheh! Hehehe…hahaba na tenga nyan..hahaha!
Kay ****, thank you ng sobra. Kung ano man yung naging misunderstandings natin, erase-erase na un ha? Back to normal tayo. Alam mo na kung anong normal yun. Hehehe… Saka sana magtagal tayo..Saka yung neck tie mo, sana sa susunod, di na lukot.Aba! Paano ka makakabenta ng children's book nyan? Hehehe..

Wednesday, April 19, 2006

Boredom strikes again

Another boring day for me...grabe! parang ang monotonous na ng buhay ko..gising sa umaga, ligo,ayos,pasok.uupo sa location ko. harap sa pc,check ng mails. pag sinuwerte, may gagawin ako. pag mas swerte, wala akong gagawin kundi mag-iisip kung paano ko ba dapat palipasin ang oras ko hanggang mag-uwian. My gulay! Lagi na lang yatang ganito routine ko. wag naman po sana...balak ko pang hindi na masyado makipagtext sa ibang tao, kaso naisip ko, kung tatanggalin ko yung routine ko na yun, e di mas boring pa buhay ko? Hay nakow...
Kahapon nga feeling ko sasabog utak ko. Hindi ko kasi alam kung ano pa dapat kong gawin para di mainip dito sa ofis. Halos lahat ng gusto kong guluhin nagulo ko na.Wala pa din epekto.huhuhuhu...
Scuba diving lesson next wednesday. Sana maging okay. Pag nagustuhan ko, itutuloy ko yun. Then sana, maging member ako ng scuba diving club. Pag-iipunan ko na yung mahal na gadgets.hehehe...kung worth-it naman yung mga activities eh, why not di ba? Para naman may extra-curricular activity ako. Ano pa ba pedeng salihan?? Sana yung involve pa din yung swimming.
Gusto ko magbeach!!! Tas suot ko yung two-piece! Ayos! hehehe...asa pa ako! Kapal naman ng mukha ko kung magsusuot ako nun.hehehe...
Lunch na!!!

Tuesday, April 18, 2006

The pasaway in me

"THIS IS YOUR FIRST WARNING AND YOUR WARNING LEVEL HAS BEEN INCREASED." - www.yupielbi.com

Huwaw! Another warning from them. Dapat eh "This is not your first warning. Your warning level is continuously increasing. Next time you will be banned." .Di ko na mabilang kung ilan na yung nakita kong ganyan sa forum na ako yung may gawa. One time may email pa sa akin. Hay. Sorry to all the moderators. Siguro nga pasaway talaga ako. Not reading and following all those strict rules implemented. Huwag na nga lang magforum.hehehe...sows Icar. Follow rules kasi! Tanda mo na di mo pa alam magfollow ng rules! Waaatoooingkkkkk!!!

Hay...dunno what to feel right now when somebody told me na "Ui,alam mo ba na blah blah blah". I wanna cry pero baket ba ako mag-aaksaya ng mamahaling luha dahil dun? In the first place matagal ko nang alam yun. Pero affected pa din ako hanggang ngayon. What to do? Talk to him, clear things up, clean my mess then move-on. Tapos ang usapan. bitter ocampo in d haus na naman. jusko day!

Monday, April 17, 2006

Blind date

I'm vack! hehehe... wala na naman akong magawa kaya blog na lang muna..hehehe..
Hay, dyosa, may kamaldita set me up on a blind date with his friend na nagkataon na kastart group ng college friend ko...small world...hay...so eon. wala akong kamalay-malay sa nangontrata na pala sya!hahaha! Di pa naman ako nakikipag-blind date. Ayoko talaga. But someone made me change my mind. Kinakabahan tuloy ako. Anong gagawin ko dun. Sabi pa nung friend ko, kain accenture girl daw ako. normal na kain. yes.normal na kain na yung 2 cups of rice every lunch. normal na sa akin yun.hahaha!baka magulat pa yung kadate ko kasi malakas akong kumain.hehehe... di bale, mahina lang naman akong kumain kapag di pa ako komportable sa taong kasama ko. Di ako makikipagblind date kasi gusto ko nang magkabf. Actually, I'm not planning to have one. Cguro after ilang months pa or a year pa cguro or pag yung guy eh sobrang gusto ko. Sabi nga nila "Kung di magwork, at least new found friend." Yes. They're right. Sa dami ng kakilala ko, pede na akong kumandidato.hahaha! saka sayang, libre dinner.hehehe...wag lang nya ako pagbabayarin.hehehe...
Yun na lang muna! wala pa ako maisip eh.hehehe...

Monday, April 10, 2006

Birthday happenings

Tapos na betday ko....waaahhhh!! langya! isang taon na naman ang nadagdag...pero thankful naman ako kasi buhay pa ako hanggang ngayon...hehehe...ano ba mga nangyari?
April 5 - may surprise dinner na ni-prepare sa akin mga hausmates ko..kakatuwa...isang malaking chocolate cake, isang large chocolate mousse, pancit malabon, ice cream saka barbeque! saya!! dami food..hehehe...sa mga hausmates ko,sir jessie, banzee, elden, ann, girlie,allane...thanks sa surprise!natouched ako ng sobra...
Si palitz naman, gising until 1:30 am para magreet ako ng 12am..katuwa..kakatouched kasi yung bday nya tinulugan nya, pero nung bday ko, nagtyagang maging gising hanggang madaling-araw para magreet ako..hehehe..thanks!
april 6, umuwi ako sa bulacan kasi grad ng kapatid ko..sarap ng feeling ng nakapagpagrad ng kapatid (kahit one-year lang na ako yung nagpaaral sa kanya..)
april 7, grad naman ni Ivanna, yung pamangkin ko
april 8, nagluto sa bahay ng pancit saka spag...tas pumunta si joana sa bahay..dun sya nagstay ng weekend..
kay kuya wong, si spike c pala,mukhang naligaw...wala pa hanggang ngayon...hehehe...
sa lahat ng nag-greet sa akin nung bday ko, salamat ng madami!!
pero one thing na medyo nakapagpalungkot sa akin nung bday ko eh yung taong expected na babatiin ako eh di nagparamdam until now..hay eybee...
yun lang!

Wednesday, April 05, 2006

My Birthday Gift

Tomorrow will be my bday...yuck! 23 na ako...huhuhuhu...isip-bata pa din...haaaaayyyy... bday ko pero may ubo at sipon pa din ako..nung weekend pa ito eh..di pa magaling...huhuhuhu...
paano kaya yun...dati plan ko at the age of 24 mag-aasawa na ako...wolongyo! eh wala nga akong bf paano ako mag-aasawa?hahaha! kaya imu-move ko sa 26..hehehe...tas ieenjoy ko muna yung life ng isang dakilang single...hehehehe..
wolongyo! mauubos ko na yung isang roll ng tissue na ninakaw ko sa wash room dahil sa letseng sipon na ito..tas nakaubos pa ako ng 3 donuts (thanks carlo sa effort na bigyan ako ng donuts..)kaninang umaga..di ko kasi malasahan eh..medyo matabang yung panlasa ko...hehehe..
yey! on-leave na ako bukas saka sa friday! saya!! pahinga to the max na ito...
lamig dito sa ofis...brrr.....di na yata kakayanin ng powers ko...yung mga kuko ko sa kamay nagviolet na....naninigas na din mga daliri ko...

may kapalit na nga ba si aking obheto? confused ako...hehehe..kasi naman, lagi kong nakikita si boy-next-door (daw) na mukha naman high school talaga na madalas dumadaan dito sa may cube ko pag nagpiprint sya (kasi malapit sa cube ko yung printer) saka pag nangangausap sya ng ibang tao. pero in fairness, cute naman sya. lagi pang naka-smile. eh natutuwa ako sa guy na laging naka-smile. mukhang masayang kasama at mukhang magaling magbasketball..pwede! hehehe... ewan..abangan na lang natin ang susunod na kabanata...

payatot, the best talaga testi mo sa akin...wooohooo!! pero pinakada best pa din testi ko sa iyo...wahahahaha!! walang tatalo dun...kala mo ah! hahaha!

kay mau, ewan ko na talaga sa iyo! talk to the hand na lang...kahit kelan, labo mo kausap...di mo pa ako mapagbigyan ngayong bday ko...

back to pagbibisi-busyhan....

Team Building

Last Saturday, April 1 (April Fool's Day!), we had a teambuilding at Lakewood resort at Laguna. Akalain mo yun! sa Laguna! hehehe..di na nagsawa noh? Anyway, kahit naman lagi ako dun, nakakamiss pa din yung gimik sa isang resort. Masaya yung team building namin. Billiards, videoke, table tennis, kain, inom, swimming, games, jacuzzi. eon. masaya talaga! puro sira-ulo pa mga kasama ko kahit yung TL namin.hehehe...ako yung nagluto ng dinner. buttered veg! sabi nila, masarap daw.magresign na lang daw ako at pumasok sa whitehouse para daw maging chef! hahaha! tas eon,. nung gabi na, naglaro kasi ng charades. saya! nung ako na yung manghuhula, Jollibee yung ipapahula. e ganito yung clue: commercial. tas nagmcdo sign sila. tas biglang nag-act na bubuyog, eh akala ko chicken. sabi ko tuloy "McDonald's chickenjoy!" hahaha! meron ba nun? tawanan tuloy ofismates ko.hahaha! pero nahulaan ko naman kasi parang mcdo pero hindi.hehehe..tas nagjacuzzi kami. naglaro kami ng 7-up. yung magkakamali, papahiran ng lipstick sa mukha. lahat kaming girls meron.hahaha! natalo pala yung team namin sa games kaya kami yung nagluto ng breakfast kinabukasan.tas after lunch na kami nakauwi.

Share ko pics namin.. pics ko lang pala..hehehe... Team Building Pictures