Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Thursday, March 30, 2006

Miss Tapia

The malditas had an early lunch dismissal because of Miss Tapia. Napagalitan kasi kami dahil sa kaingayan namin. Ewan ko pero di ko makuha yung point nya. Ganito kasi, wala kasi naman matinong pantry dito sa ofis...so no choice kundi kumain sa cube namin. Eh since 6 kami na sabay-sabay kumakain, dun kami sa cube nila kambing and b1 nagla-lunch. E syempre, yun lang yung time na nagkakasama-sama kami. Eon, e maingay naman kami lagi saka lunch naman at malamang ang mga tao ay kumakain. Tas, biglang lapit itong si Miss Tapia at pinagsabihan kami na hinaan yung boses namin saka daw nasa work place kami.E lunch kaya! hmpf! tswe! baket yung TL ko minsan nangunguna pa sa pag-iingay? Eon, si b1 affected (palibhasa di ako affected kasi di ko naman TL yun at sanay na ako na napapagsabihan..hehehe..) kasi TL yun ng project nila at madalas din silang napapagsabihan nun. saka kasi mabait yun, di sanay ng napapagsabihan. Kaya ayun, dating 1:30 na lunch dismissal eh naging 1pm na lang. hay nakow! baka may PMS lang yun or menopaused o kaya matandang dalaga...anti-karma! wushu! shield! letswe! feeling ko ang sama ko...hohohoho...
yun lang...back to normal boring life....haaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy.......................

Panibagong Paglilikot ng Imahinasyon

Obvious ba na wala akong magawa? hehehe.. Eto, another walang kakwenta-kwentang kabalbalan..hehehe...

Freedom Park

Nagpunta ako sa freedom park para magpalipas ng oras at sa pagbabakasakaling makita ulit kita doon na nakatambay habang pinipitik-pitik ang iyong gitara. Hindi ako nagkamali. Nandoon ka , naggigitara at sumasabay ang hangin sa iyong pagkanta. Ewan ko ba kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para ikaw ay lapitan. Habang ako ay papalapit, halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Ito ang unang beses na lalapitan kita.
Nang makalapit na ako sa iyo ay nginitian kita at ako ay nagpakilala. Kilala mo din pala ako dahil sa madalas mo akong Makitang nakatambay dito sa freedom park. Akala ko kasi di mo alam na nag-eexist ako. Umupo ako sa tabi mo at nakipagkwentuhan. Kung minsan ay sumasabay sa iyong pagkanta habang kinakalabit ang iyong gitara. Mas nakilala kita na lalong nagpalalim ng paghanga ko sa iyo. Akala ko kasi suplado ka at may sariling mundo – tanging ang gitara mo lang ang kaibigan mo. Masaya kang kasama. Masarap tumawa kasabay ng pagtawa din ng iyong mga mata. Ni hindi ko man lang namalayan na lumilipas na pala ang oras. Ikaw ay nagpaalam sa akin at nagsabing sana ay magkita tayo muli dito sa freedom park.
Nandito pa din ako sa freedom park at nakatingin sa iyo habang ikaw ay kumakanta kasabay ng pagtugtog mo ng gitara.
Freedom park – kung saan ako malayang nakabuo ng imahinasyon na ikaw ay aking nakasama.

Wednesday, March 29, 2006

Malikot na Imahinasyon

Ang inyong mababasa ay dulot lamang ng aking pagkabagot at malikot na imahinasyon... ang mga pangyayari ay hindi halaw sa totoong buhay...hayunamanpaleh!ampucha! drama mode na to!

Sakit sa puso

Sakit sa puso – siguro yan yung sakit na makukuha ko dahil sa iyo. Simula nang makilala kita, unti-unti kong naramdaman ang mga simptomas ng nakamamatay na sakit na iyan.
Dumating ka sa buhay ko sa panahong di ko inaasahan - tahimik, masaya at kuntento sa aking buhay at kung anong mayroon ako. Pero sa pagdating mo, biglang nagbago ang aking mundo. Nawalan ng organisasyon ang aking buhay. Pagdating sa iyo, sira lahat ng plano ko. Kapag ikaw ang nagyaya, di kita matanggihan kahit may ibang bagay akong dapat pagkaabalahan. Kahit isang tawag o text mo lang, ‘go’ agad ako kahit may ibang plano na nakapila.
Sa pagdating mo, kasabay nun ang pagkadama na hindi ako masaya at kuntento sa kung anong meron ako. May kulang pa pala at mas makakapagbigay ng saya sa akin. Iyon ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama tayo. Ipinaramdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga, kung gaano ako kaespesyal sa buhay mo. Lagi kong ipinagdarasal na sana huminto ang oras at hindi na tayo magkahiwalay pa. Na parang walang ibang tao sa paligid natin. Na parang may sarili tayong mundo at masaya sa kung ano tayo ngayon. Na sana sa tuwing matutulog ako at magigising ay nakayakap ako sa iyo at mukha mo ang nakikita ko. Mawala ka lang sa paningin ko, di ko lang marinig ang boses mo, pag wala akong narereceive na isang text galing sa iyo, namimiss agad kita. Sana….sana lagi tayong magkasama.
Hindi ko namamalayan unti-unti na pala akong nahuhulog sa iyo. Kahit alam kong wala naman patutunguhan kung anong meron at kung ano tayo ngayon. Kahit hindi ko alam kung saan ko dapat ilugar ang sarili ko sa buhay mo. Kahit sa banding huli ay ako pa din ang masasaktan at maiiwan.
Siguro nga mahal na kita. Kahit alam ko at alam mong may mali. Masaya tayo, pero may nasasaktan tayong tao. Buti pa ang ibang tao, naiisip natin. Samantalang ang sarili ko, di ko naiisip na nasasaktan ako kahit damang-dama ko. Nagpapakamanhid para sa mga sandaling kaligayahan tuwing kasama ka.
Sakit sa puso – iyan ang nararamdaman ko ngayon. Na sa tuwing naiisip kong may mahal at may kasama kang iba kapag di tayo magkasama, para akong nasa torture chamber. Parang tinutusok ang puso ko hanggang sa magdugo, pinipiga na parang di makahinga at ang pansamantalang gamot ay ang pag-iyak sa sakit na nararamdaman.
Sakit sa puso – isang traydor na sakit na hindi ko alam kung kailan aatake ulit. Na sana ang susunod na pagsikip ng dibdib ay kayanin ko pa din.

Tuesday, March 28, 2006

High School Reunion

Last Sunday, March 26, my high school barkada had a reunion. Yung barkada ko lang nung high school at wala nang iba pa.hehehe...name ng barkada namin.."PBB- Pederasyon ng mga Babaeng Bading". hehehe...Nakakatuwa...almost one year din kaming di nagkasama-sama. Tapos nung sunday, yun, nagkita-kita ulit kami. Nagswimming kami sa isang resort sa bulacan from 1:30-8:30 pm cguro.masaya. as usual, maingay pa din kami...at ako na yata yung pinakatahimik sa aming barkada(ano daw!). true. kapag di ako sumabay ng pagsigaw sa kanila, walang makakapansin sa akin sa lakas ng boses ng mga iyon. sad nga lang kulang kami ng isa. si abby kasi eh nasa US at di namin alam kung kelan balik nya dito..
Anyways, share ko yung ilan sa mga pics namin...Barkada Pics . Enjoy!

Happy Birthday!

Happy Birthday kay Allan! Libre na to! hehehe...
At wag mo kakalimutan yung bday gift mo sa akin ha? hehehe...

Approve mo testi ko sa iyo, napakaganda!

Para kay Kuya Wong

Itong blog na to ay especially dedicated kay kuya wong dahil ang blog na ito ay may character count.hehehe…sino ba si kuya wong? Si kuya wong ay isang makulit na intsik na mabaho kasi di naliligo at di nagtu-toothbrush (dati yun,ewan ko ngayon). Hehehe…tinatanong nya kung wala bang bago ang blog ko pero sa totoo lang ay di nya ito binabasa at tinitingnan lang kung gaano kahaba. Pero kuya wong, sana basahin mo kahit yung “Birthday Wishes” lang at sana ay matupad ang sinasabi mong gift mo sa akin sa bday ko na baby nila Spike A and Spike B. (si Spike A and Spike B ay mga stuff toys na aso na bigay sa akin ni kuya wong). Yun! Ayos na ba to? Hehehe…

Characters with spaces : 711
Characters (w/o spaces) : 575

Friday, March 24, 2006

Just wanna share this article from www.peyups.com.
Realization
For as long as I could remember, I have been living in this peaceful and undisturbed place, enclosed in sturdy and powerful walls. Plenty of people have tried to lure me away from here. Some say that I was missing half of my life by confining and isolating myself. Others condescendingly shake their heads in amusement, and knowingly declare that I will eventually surface from my dwelling. Whereas others more seek to tempt me, by promising things left and right, trying to make me believe that it was better for me to be with them, and outside my sheltered condition.
Amongst all these, I stubbornly shook my head in defiance, because I was certain that my present situation was what’s best for me. It is my choice to be here, anyway. Away from pain, sheltered from sorrow, and safe from getting hurt once again.
But as fate would have it, you came. Amidst the crowd, you held out your hand to me. I tried my best to refuse you, I really did. I burrowed myself further inside my place, but still you were persistent. I tried to get in touch with my cynical nature and recalled the reasons why I would rather confine myself in the first place, but I was unsuccessful. Slowly, reluctantly, I find myself leaving my personal hole. And you were there, waiting.
You opened my eyes to a wonderful place, and indeed, I felt bliss. There was so much to explore, things I never thought existed, and emotions I have almost forgotten I was capable of feeling. I finally came across things that I only saw in my secret fantasies. You and me. Together. And for that moment, that is all that mattered.
Yes, for a while I genuinely forgot about my past existence, and I have almost convinced myself that, as long as you are here, I was better and happier. Almost. Without warning, I slowly stirred from my trance, like a light bulb inside my head was turned on. I was reminded of the cruel realities that seem to cast a shadow over this different world I am now in. People who previously appeared as angels were now creeping back to me as monsters of my past. Places that seemed beautiful and magnificent now looked haunted. A variety of unfamiliar feelings slithered inside me—jealousy, sadness, bitterness.
I searched for you, but you were not there. All of a sudden, your fingers deliberately slipped away from mine. The hand, the very being, I foolishly believed would always be there, was gone.
Now I am lost and confused. I cannot return to where I came from, for you have already shown me another world beyond my own, a place where I ridiculously trusted that dreams could come true yet again. I cannot remain in this world either, since I am afraid of not being able to survive on my own, without you to hang on to.
It took me quite a while to realize, and to finally admit to myself, that I have fallen in love with someone I should not have fallen in love with. And now I have no idea what to do next and where to go. The wall that used to be my shelter already has crumbled down at my feet. Once more, I am everything I swore I never will be again.

Di alam ang gagawin

Pudpod na ang hintuturo ko kakapindot ng mouse...dumudugo na ang utak ko kaiisip kung anong dapat gawin...kinakalyo na ang pwet ko kakaupo sa aking silya..masakit na ang mata ko kakatitig sa monitor sa harap ko...sumakit na ang ngala-ngala ko sa pagtawa sa mga kachat ko..sumakit na ang puso ko sa mga pag-iisip sa mga bagay na hindi ko naman dapat pag-aksayahan ng panahon sa pag-iisip...umusok na ang telepono sa telebabad na ginagawa ko..nahalungkat ko na yata ang friendster ng mga kaibigan ko...nabasa na anim na daang mails na matagal nang nakatambak sa mailbox ko...ano bang dapat kong gawin? hirap ng walang ginagawa...pero pag madami naman ginagawa, nagrereklamo din. sala sa init, sala sa lamig...Lord, di po ba pwedeng balance? yung tipong may ginagawa ka pero may panahon ka pa din pumetiks. hindi yung may ginagawa ka, pero halos hindi ka na humihinga sa dami ng ginagawa...o kaya naman, wala kang ginagawa, hindi ka pa din humihinga dahil namatay ka na kakaisip kung anong dapat mong gawin para di ka mabagot sa kinauupuan mo..hay buhay...kung laging ganito, hindi malayong hindi ako makatagal sa trabaho ko...
pero ano nga ba talaga yung gusto ko? minsan naisip ko mamimitas na lang ako ng ubas o kaya mamumulot ng mansanas sa ibang bansa...kumikita na ako, nakakatsismis pa ako...hehehe...di pa dumudugo ang utak ko sa pag-iisip ng letseng logic na dapat ilagay sa program na na-assign sa akin...tas biglang ibabalik sa iyo kasi mali pala yung specs na binigay nila...talaga naman!!
hindi ko din makita ang sarili ko na maghapong nakaharap at nakikipagtitigan sa monitor...na kapag medyo nasa katinuan ang pag-iisip ay biglang magsasalita ng "sabi na at ganon yun eh! letse!sana kanina ko pa ginawa!"
mag-asawa na lang kaya ako? kaso sino naman mapapangasawa ko? eh wala naman akong bf saka wala pa din magustuhan...saka sana yung maayos yung sweldo na kayang buhayin ang magiging pamilya namin...dun na lang ako sa bahay...maglilinis ng bahay, magluluto, maglalaba, magpaplantsa, mag-aalaga ng bata...pero di naman to the point na katulong na ang labas ko ha? hehehe.. tas pede na magbusiness habang nasa bahay para kumikita pa din di ba? saka sana yung mapapangasawa ko eh yung gwapo (pede na din yung cute..basta presentable at hindi aabutin ng kung ano-anong pintas..anti-karma! wushu!! shield!!), mabait, kahit hindi katalinuhan basta may sense kausap at sense of humor, hindi chickboy, responsible, thoughtful, sweet...meron ba nito? hehehe...pag ganito hahanapin ko tatanda akong dalaga...hehehe...
hay nakow! baliw na talaga ako! hahaha!!!

Serious mode

Haller!! hehehe...sensya na...wala talaga akong ginagawa ngayon eh..whole week na akong nakatunganga...kakabato din kung minsan...kung ano-ano maiisip mo na walang kawenta-kwenta...kaya serious mode muna tayo ngayon...
naalala ko yung sinabi ni jowawa sa akin minsan na kapag kinukwento ng taong gusto nya yung gf nya, para syang nasa torture chamber na tinutusok ang puso.minsan hindi lang tinutusok...pinipiga pa na parang hindi ka makahinga...ayun naman eh!!hahaha!!!corny pero totoo. hindi mo talaga alam kung ano yung mapi-feel mo...kulang na lang isigaw mo sa kanya "Oi! Manhid ka ba? Nakakasakit ka na eh!". hay nakow...di yata ako sanay magsulat ng ganito..pero sige, tuloy natin... iyon...ang mas masakit dun, kung magkaibigan pa kayo...na minsan gusto mo na syang iwasan at iwanan pero di mo magawa kasi feeling mo mang-iiwan ka sa ere o kaya baka bigla kang sumbatan ng kaibigan mo na yun kasi bigla kang nawala...di mo din naman masasabi ang dahilan di ba? kung sasabihin mo, ano naman ang susunod na mangyayari? Wala. Dedma. Baka mapahiya ka pa. So better na manahimik na lang...o ibaling sa iba ang atensyon..magpakabusy at magpakapagod para wala ka nang oras isipin yun..pag pagod ka na, diretso tulog na di ba? At least di mo naisip yung problema mo na kung iisipin mo medyo wala syang kwenta pero ang laki ng epekto sa iyo...minsan naman alam mo yung tamang gawin pero di mo magawa...kaya ang nangyayari, you still suffer dun sa consequences ng situation...
"Some things are just not meant to be..."..lagi ko iyan sinasabi sa friend ko...may mga bagay na gusto natin makuha pero di natin makuha..may mga taong gusto natin makasama pero sa malas di mo makasama..at may mga bagay na gustong gawin na hindi mo magawa...kasi siguro, hindi meant or destined para sa atin yun...may reason/s at kung ano man yun, hindi natin alam...malalaman lang natin kung we'll analyze things and look at the brighter side...minsan kasi nabubulag tayo ng mga "pagkabigo" at pagkalungkot natin dun sa failures na yun.magmumukmok at ngangawa kasi hindi natin nakuha or nagawa yung gusto natin.is it okay na maging malungkot dahil sa failures pero after nun, we have to move on and make other things happen. ayuhnuhmuhnpuhluheh!! akalain mong naisip ko yun!! hahaha!! di yata talaga ako sanay ng ganito...tama na nga!!
pero kung gusto nyo ng seryosong usapan...may serious side din naman ako eh...yun lang...wala na akong maisip...nababaliw na ako...hehehe...
"Take things slowly and enjoy life!"

Tuesday, March 21, 2006

Paid Bum

Paid bum - ito ako ngayon...3 days nang nakatunganga..pag minalas-malas, may konting trabahong darating...buti na lang may friendster saka blog..wehehehehe...saka si palitaw eh wala din ginagawa kaya chat na lang kami maghapon...para kaming pumasok para magkachat...hahaha!! minsan, question and answer laro namin...puro katangahan yung tanong...minsan nakakatanga din kaya di masagot...hehehe...
Namimiss ko din si mike...di kasi sya nangulit ngayon...uy!! flattered yung isang taong dyan...wehehehe...
Palitaw, tuloy tagaytay natin ha?? yari ka talaga sa akin pag di natuloy yun...warla na to!! as in warla talaga!!
Uwi ako sa weekend...need a hair cut...haba na ng buhok ko...di na kaya ng powers eh...tas paayos ko yung curl. di ko na din maimagine yung sarili ko na straight yung hair ko eh...pero kakamiss din yung straight hair...yung tipong wash-and-wear yung hair mo...kasi hirap ayusin ng curly hair..minsan maganda, minsan panget...wolongyo!!
hay...napangalahati ko na yung 14th month pay ko...paubos na pero wala pa akong nabibigay sa bahay...jusmio!!! saan ko dinala yun!!! waaahhhhhh!!!!!
Hayyyy....bigla kong namiss si eybee - my high school bestfriend...kasi busy sa gf saka sa school. pag pinayagan akong mag-leave sa bday ko, punta ako sa grad nya. kaya sana payagan...more than a year na din kasi kaming di nagkikita...eybee, miss na kita...huhuhuhuhu...
tama na drama mode....hirap ng walang magawa...kung ano-ano naiisip.hehehehe...basa na nga lang ulit ng forum!!

Monday, March 20, 2006

Birthday Wishes

Lapit na birthday ko!! Yey!! Hmmm....bday wishes...
1. makagrad na kapatid ko (gagrad daw sya..and sa bday ko mismo magmamarch..)
2. payagan akong mag-bday leave on April 6-7 kasi ayokong nagpoprogram ako sa bday ko noh?
3. celebration with family (sigurado to kasi grad na sa college yung kapatid kong bunso..makikidawdaw lang ako sa handa..pag minalas, sagot ko pa gastos...hehehe)
4. dinner with malditas (yung kumpleto kaming seven)
5. makasama ko college friends,org mates, housemates noon at ngayon
6. outing with high school friends
7. malling with abner (whew!! one year na pala kaming di nagkikita...)
8. punta sa galera!!!
9. tagaytay with palitaw (hehehe...kilala mo kung sino ka...yari ka sa akin pag di natuloy yun..triple celeb na yun ha? bday mo, bday ko saka 1st anniv natin...*winkwink*)
10. vacation at bohol!!
11. lots of chocolates! yung tipong mapupuno yung ref...
12. perfume (tommy girl, victoria's secret na endless love o kaya clinique happy...palitz, kaya mo?? hehehe... kahit ano lang sa 3...hehehe...)
13. whole day at timezone pero ako yung libre...hehehehe...
14. large magic pillow
15. watch Ice Age 2 and Just Friends movies
16. You're Beautiful Cd
17. Haltered blouse na gantsilyo na parang suot ni Kristine Hermosa sa 'All My Life' movie
18. Tankini - hehehe....
19. magandang surprise...yung tipong maiiyak ako sa sobrang saya...hehehe...
20. greetings syempre...

yun ang aking mga wishes...sana lahat matupad...hehehe...
share ko lang to..nabasa ko somewhere: "If you break my heart, I'll break your face..and even your *****!" hehehe...dinagdagan ko lang yan...hehehe....

Quality Time with Friends

Almost a month din pala akong di nakapagblog...pero wala naman halos nangyari eh...kasi naman lagi akong robot sa planetang dynpro..ngayon lang nakaluwag-luwag...
Last thursday, Joana, Bong and me met sa glorietta. Ayun, nood ng movie na "Hostel". Hay nakow!! Nakakapanghina yung movie na yun...di ko na uulitin panoorin yun...as in parang di ko sya napanood kasi laging nakatakip yung mata ko...kulang na lang umiyak ako tas lumabas sa movie house...hehehehe...tapos after movie, nagtimezone kami with sir jessie and ate norreen. saya!! timezone talaga nakakapagpasaya sa akin..hehehe...kaso ubos-pera..wolongyo!!! pero natalo ko naman si sir jessie sa basketball...hehehe...
Tapos nung friday naman, nagkita ulit kami ni joana..kasama naman namin yung blocmates nya...buti na lang kilala ko sila...hehehehe...tas ayun, tambay sa roof top sa may apartment...kwentuhan...reminiscing ng college life...hayyy...kakamiss yung mga ganong moments..and college life of course!!
Then saturday, 2-9pm ay nasa mall kami...kapagod maglakad!! as in!! sakit sa legs...tas ayun, shopping-shopping, ubos pera na naman ang lola mo...
Sunday, punta sa Divisoria with Girlie and Allane...bumili ng kung ano-ano...kain ng halo-halo kasi trip lang...tas hanap ng mga damit at ako yung mga spag straps na blouse na pede pangswimming...next time two-piece naman...pag kaya na ng powers ko...hehehe...naubos yata pera ko dun...may pang-beach nga ako, wala naman akong pera para makapagbeach...anu ba yun??
Simula nung magmeet kami lagi ni joana, I realized na kahit gaano kabusy, you could still get time para makasama yung family and friends mo... yun lang!!

Mga Pagtatagpo

hahaha!! nakapagblog ulit ako!! akalain mo yun!! hehehe..
anyway, kwento ko na ang mga nakakakilig na pagtatagpo ng aking obheto..

Ikaapat na Pagtatagpo:

isang napakagandang pangyayari ang naganap sa pagitan ng isang cute na petite na babae at ng kanyang obheto...tinginingining.....
sa ganap ng ika-anim ng hapon, Marso 2, taong kasulukuyan, habang nagpapakarobot ang isang magandang dilag ay may dalawang lalaking lumapi sa kanya...henghenghengheng..... at kanyang nakita ang kaniyang obheto na nakangiti kasama ang kanyang bespren.

Obheto: Hello! Manggugulo lang!
Babae: Ui, hello! Baket? Hinihintay nyo si ******? Nasa meeting eh.
Obheto : Ano yang ginagawa ng program mo? Gumagawa ng plane tickets?
Babae: Di ko alam. Basta binigyan nila ako ng FS tapos kino-code ko lang..hehehe..
Obheto: Magaling ka naman eh...tingnan mo oh...dire-drecho magcode..
Babae: hahaha! asa pa!
Bespren ni Obheto: Niyaya ako nito. Miss ka na daw nya!
Obheto: Hindi, sya daw.
Babae: Namiss nyo ako! Aminin nyo na! hehehe..
....at madaming napag-usapan...

Obheto: Punta ka sa game bukas?
Babae: Oo. Kayo ba?
Obheto: Bka pumunta din. Lalaro ka?
Babae: Hindi. Cheerer lang.hehehe...e kayo?
Bespren: Hindi din. Cheerer lang din. Magskirt kami.hehehe..
Obheto: Hindi. sya lang.
Babae: lalaro ka?
Obheto: Cheerer lang din.hehehe..Ui,sabihin mo lang kung nakakaabala kami ha?
Babae: Cge, lumayas na kayo at di ako makaprogram (palibhasa kinikilig).
Obheto: cge, abalahin ka muna namin...hehehe...
...madaming napag-usapan...hanggang sa dumating ang kanilang hinihintay...

At pagkatapos makikain ng obheto dahil bday ng kastart group nila, pinuntahan pa nya ang magandang dilag upang magpaalam...akalain mo nga naman!!

Hayyyyyy.....abot hanggang edsa ang ngiti ng lola nyo..


Ikalimang Pagtatagpo
Marso 3, taong kasulukuyan...maaga akong pumasok...ang suot...spag strap na may flowers design, black pants and tsinelas..hehehe...di ko pa suot ang blazer ko nun..pagbaba ko sa kotse ni sir jessie, nakita ko si aking fafable obheto... kaya binagalan ko ang aking lakad papunta sa building...pagdating sa may hintayan ng elevator, at saktong bumukas ang elevator, di ako sumakay kasi ay di pa dumarating ang aking obheto kaya hinayaan ko nang magsara ang elevator (cguro nagtaka yung mga nakakita sa akin kung baket di ako sumakay..hehehe..). Ilang segundo ang lumipas...ting!!! dumating na si obheto...isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya...di ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na sya ay aking kausapin (dahil kadalasan, pag nakikita ko sya, ako ay nagtatransform into di-makabasag-pinggan na dalagang Pilipina..) . Ilang minuto ang lumipas...TING! may bumukas na elevator...at kami ay sumakay... at ang maganda pa sa nangyari, kaming dalawa ang laman ng elevator. siguro ay sinadya ng Diyos na kami ay magkasabay para naman masolo ko sya...hehehe... at dahil may lakas ako ng loob nung oras na iyon, naitanong ko tuloy kung saan sya nakatira...hohohoho...sa wakas!! nalaman ko din...pero kahit papano ay parang may tambol sa aking dibdib habang sya ay kasama...marahil ako ay kinakabahan...at parang may naririnig akong kanta...."can this be love i'm feeling right now..." yuck! corny!! hehehe... nung pagdating na sa floor na kanyang bababaan ay kami ay nagpaalaman na...buti na lang nauna syang umalis sa akin...kasi ako ay nababa sa maling floor..dapat sa 8th floor ako kaso sa 7th floor ako bumaba..kakahiya...hehehe...

Iyan ang kwento ng aking napakasayang mga engkwentro kay obheto...bow....