Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Friday, June 30, 2006

Pagtanungan daw!

Last day of petiks mode....next week will be a whole new world (again) for me...new project...new responsibilities...mas mabigat na responsibilities pa....haaayyyyy...
ang sakit ng binti ko...sino ba kasi nakaimbento ng footwear na may heels? waaaahhh!! ilang beses din akong natapilok saka ang hirap maglakad! nagkakandadulas ako...baket ba kasi kelangan pa yung may heels dito sa ofis eh...haaayyyy...
life nga naman...akalain nyong may nagtanong sa akin kung ano yung name nung guy na matangkad na maputi na galing sa previous project ko....eh si obheto yun eh!waaahhhhh!!!crush daw nya...omigosh! at nagtanong ng mga info tungkol sa kanya. ako itong si mabait na dyosa, sinagot naman....tas biglang sabi, irereto daw nya sa friend nya....ikoclose daw nya tas irereto sa friend nya...hmpf! tswe!! inunahan pa ako...letse kasing paninigas to eh...hhhaaayyyyy...

yun lang! panoorin ko ulet yung "il mare"...

Thursday, June 29, 2006

hell will start next week

Hay buhay...totoo nga yatang life is full of surprises and challenges...letseng surprise at challenge yan, di na natapos... next week, start na ng bagong project...na 2 days before ng kick-off meeting ko lang nalaman na dun pala ako assigned sa project na yun...tas kahapon, nung kick-off meeting, nasa dev leads ang pangalan ko...walastek.....ano na mangyayari sa team kung ako ang dev lead???waaaaahhhhh!!! seryoso na to...sana hindi goodbye social life ang drama ko....

haaayyyyy.....back-up na naman ng files kasi for the nth time, ipapareblast na naman ang pc ko dahil may project na ulet...hhhaaayyyyy...

ganda ng superman...naappreciate ko sya kasi ang gwapo ni clark! hayyyy!! kinikilig talaga ako...almost perfect ang face nya...tas ang ganda ng boses....haaayyyy...i'm inlove...ngak!

may lagnat si jazz....get well soon macho!!! tama na kasi ang pagkain ng 6 na kwek kwek sa isang araw...araw-arawin mo ba naman...at least ako every other day pagkain ko.pero kahapon, nahilo din ako...hehehehehe...

o sya! yun na lang muna! makikifiesta kami mamaya kila sir jessie! wiiiipppppppeeeeee!!!

Tuesday, June 27, 2006

Mag-ingat sa Transventures Bus Company

Dapat ang Transventures Bus ang sasakyan namin nung team veldeng namin sa Mango Farm pero di natuloy kasi may provided ng bus ang resort... pero nakapagdown na ng xxK+. tas nung kinukuha na yung pera dahil di naman nagamit ang service nila, ang daming dahilan... eto po ang kwento (thanks Dory!)....dandandandandan.....

tatawag sa umaga... nasan po si gloria/lorelei?
response: mamaya pa pong 11.
tatawag 11am.
response: ay naglunch lang po.
tatawag ng 2pm.
response: ay umalis po, umuwi po kasi inasikaso yung isang pasahero. (josko lahat na ng aksidente!!!)
tatawag ng 4pm.
response: ay umalis po. mamaya na lang pong 6pm.
tatawag ng 6pm.
response: nakaalis na po ulit.

pagkausap yung emplado nila:
nasan yung cheque?
response: na kay mang ernie po, may pinuntahan lang po sya. idedeliver mo sa inyo mamayang hapon.

pagdating ng hapon:
di pa po dinedeliver.
response: text nyo na lang po si mang ernie. baka nasa napocor/maynilad pa po sya.

tinawagan si mang ernie nang umaga:
hello po. idedeliver nyo po mamaya yan hindi po ba?
response: titingnan ko pa. matagal pa ako siguro dito. baka 6pm pa ako matatapos.
paki-try po.
response: baka matagal pa ako. baka gabihin ako eh.

lecheeeeeeeeeeeee!

************ pangalawang kabanata***********************************************
NOON:
tawag sa trans.
pde pong makuha yung number ni ms. gloria? (sya may-ari eh)
response: ay wala po syang celfone!di po sya nag-cecelfone. (akalain mo yun! may-ari sya, walang celfone)

NGAYON:
tawag sa trans.
nasan po ang cheque?
response: i-text nyo na lang po... (at ngayon inamin na may celfone????)

Napagalitan na naman...

For the nth time, napagalitan na naman ako ng manager namin...kasi naman, nakalimutan ko yung niprint kong payslip ko dun sa printer...gumana na naman ang pagka-utak gold fish ko...hhaaaayyyy... affected ako sa nangyari...biglang nawala ako sa mood...anyway, fault ko naman yun eh... malamang special mention na naman ako nito sa meeting...

nung sunday, i watched "Eternal Sunshine of a Spotless Mind" saka "Jerry Maguire". naiyak ako sa parehong movies. Cry baby talaga ako.hehehe...

Hayyy...wala ako maisip...wala ako sa mood...

Saturday, June 24, 2006

talunan...waaaahhhhh!!!!

Tapos na ang paghahatol...at kami ay natalo...jusmio!!! puro hiphop pala ang judges...e konti lang hiphop namin, bandang huli pa....nakow!! ayaw nila ng mga sayaw pampokpok! hahaha!! siguro kung regine tolentino or michelle bayle ang judges, baka sakaling naaliw sila sa amin...hehehe...sour-graping ang pucha! hahaha! di bale...panalo naman kami sa ganda! magbuhat daw ng sariling bangko! pero di sa namimintas....angat talaga ang aming kagandahan compared sa ibang andun...yun nga lang, nainsecure yata yung judges sa amin kaya di kami nanalo...wehehehe...kapal!!
anyway, okay lang naman eh...we know we did our best para sa competition at kahit may mga nagkamali, kasama na ako dun, naging maganda ang performance namin. pero malamang maganda din yung performance ng mga nanalo...
sa mga groupmates ko, rochelle, ianne,jayson,dj,maele,erjo,jaque,aira,ganie,marina and harry, salamat!! naenjoy ko yung moments na magkakasama tayo....yung mga misunderstandings...pero at the end of the day, after ng practice, masaya naman tayong umuuwi...it's one great experience with you... masaya, promise!
nakakatawa kasi nung turn na namin, sa sobrang project at kaba, tinanong na pala kami kung ready na tas di kami sumasagot...hahaha! nung pang-3rd na saka kami sumagot...
ang ganda pa ng mga pictures namin..mapadala nga sa FHM...huwaw! kapalmuks!kasi mukha kaming sexy dun...wehehehe...
nakakatawa pa nga yung top ko eh...mukha kasing basahan...pero pag suot na...dyyyyyaaaaarrrraaannn!! viloa!! bongga ang damit ng lola mo...hehehehe...
hay...nababaliw na ako...uwi na ako mayamaya at gusto ko nang matulog...i'm tired...sobra....


Friday, June 23, 2006

Blog ulet!!!

Yey! After 48 lightyears, nakapagblog ulet ako...thanks carlo!!!
Ayan, di ko na tuloy alam kung ano ilalagay ko dito..sigh....

Bukas na nag paghahatol! Sumali kasi kami sa dance competition dito sa company. Haaayyyyy... di pa masyadong maayos pero carry naman... sana makapasok sa top 3...para worth it yung pagod. kasi laging 10pm yung uwi namin...maaga na yun...haaayyyy.... actually, kaya lang naman ako sumali dito para may iba naman gawin bukod sa usual routine na bahay-ofis-bahay...saka passion(???) ko talaga yung sumayaw...kakamiss din kasi...

sana di umulan!! yung sampay ko mababasa...waaaahhhhhh!!! eh bukas ko isusuot yun...walastek!yung jazz pants pa na yun eh medyo maliit...hmmm..hindi pala...okay lang...kaso lumalabas ang aking kasexyhan...wahahahaha!kapal!nampucha!!

meron akong powerbooks GCs na worth Php600 (kasi sa awards na nakuha ko dahil sa kakapalan ng mukha)saka starbucks Gcs worth Php200(tama ba, mr.flex?), tas movie tickets, tas free dinner c/o our beloved manager, sir henry)! (di si sir henry kasama ko sa dinner ha?) akalain mo yun! ako ang pinakapanalo sa teambuilding na yan...hehehe..

sakit ng tyan ko...gumana na naman katakawan ko...jusko! sana po mabawasan na yung lakas ng pagkain ko...wala naman pinagkaiba kung konti saka madami kakainin ko eh...gutom pa din ako after 1 - 2 hours...haaayyyy...

haaayyyy...everyday na lang yata natutulog ako sa ofis...kasi naman sobrang nakakaantok...tas wala naman akong ginagawa...hay buhay....buti na lang tago itong location ko...di kita ng kinauukulan...wehehehe..

magpe-friendster na muna ako! ciao!



Friday, June 02, 2006

Epidemyang hatid ni Kambeng

Saket ng tyan ko ngayon...huhuhuhu...si minority toilet bowl cleaner kasi aka kambeng eh nagdala ng isang nakakahawang sakit...ang pagsakit ng tyan...dahil simula nung sumakit ang tyan nya eh sumakit na ang tyan ni jazz tas sumunod naman ay ako..wolongyo! ang LBM ba ay nakakahawa sa pamamagitan ng laway? eto ang ilan sa mga sagot ng aking mga kaibigang maldita:

1. ang LBM daw ay nakakahawa sa pamamagitan ng hatsing...dahil maaaring panis na virus ang napunta sa iyo...
2. nakakahawa nga ng LBM yung sa pagpapasa ng laway kung panis na laway ang pinasa mo....
3. pasahan ng laway? pasahan ng suka? baka! kasi pag ganun napapasa mo yung panis na kinain mo sa ibang taow

meron pang scientific explanation pero ang pinagbasehan na lang namin ay ang aming mga opinyon... baket iyan ang mga sagot namin? dahil tuwing lunch ay parang buffet lagi kami at kanya-kanyang dutdot na lang sa pagkain ng bawat isa gamit ang kanya-kanyang kutsara at tinidor kaya iba't-ibang laway na din yung nandun sa pagakin...yes! ganyan kami kaya pare-pareho din kami ng ugali at pag-iisip...

hay...hanggang ngayon sakit pa din ng tyan ko..para akong najejebs na hindi naman pag-upo na sa trono... pero ang talagang dapat sisihin dito ay si kambeng! hmpf! tswe! nagdala ka ng epidemya sa planetang dynpro!!!

Thursday, June 01, 2006

Malditas out of town

Last saturday,May 27, 2006, the malditas(jazz,abby,ice and me) had a road trip/campus tour/food trip/hotel tour.
We met at Philcoa at around 12:30 pm. Si jazz kasi late! hehehe...tas eon. punta sa UP sa may Mang Jimmy's para mag-lunch! grabe! sarap ng food!tapos mura pa. Pagkalunch, picture-picture kami sa UP diliman. Eh nalimutan ko yung shades ko tas silang 3 may dalang shades. So dun sa pic namin, naka-goggles ako.hahaha! wala lang.trip lang. Tas picture sa kung saan trip. Meron din pic kay Oble. Tas after nun, punta kami sa may Katipunan para kumain ng donut sa Cello's.sarap kasi ng donut dun. Tas punta Ateneo para magpic. Pero pa ngang time na huminto yung isang starex para tingnan yata kami. Kahiya! heheheh..
After picturan sa Ateneo, punta ulet UP para kumain ng isaw. Sarap!kakamiss ang isaw...
Pagkakain ng isaw, around 5:30pm, byahe naman papuntang bulacan para panoorin ang concert ni papa cologne! yehey! Nung nasa bulacan na, daan kami sa eurobake para bumili ng inipit. tas punta sa supermarket para bili ng groceries para sa swimming namin...
Before kami pumunta sa concert ni papa cologne, ginawan muna sya namin ng banner na cartolina gamit (it't the thought that counts,walang pakialamanan..hehehe...).e di eon. tas sa concert nangyari ang pinakakilig na pangyayari sa aking buhay...ang gwapo ng kapatid ni papa cologne!!! may gggggaaaaaaadddddd! makalaglag panty eh...nampucha! ganda pa ng boses....haaaayyyyyy....tas syempre picture-picture ulet...
After ng concert, punta kami sa paradise para magswimming at dun magstay kaso yung rooms eh fully booked na...naghanap ng hotel pero di successfull...ang nangyari, nakitulog kila papa cologne!yey!! pero di ko katabi yng kapatid nyang gwapo...*sigh*...
anyways, late na kami natulog kasi naglaro pa kami ng pusoy dos...tas pinagtripan pa nila ako habang natutulog...
mga 8am, gising kami tas nagbreakfast...umuwi ako sa amin ng 9am...sayang, di ko nakita si gwapong bro ni papa cologne...tas ayun!
masaya na nakakapagod yung nangyari...pero worth it yung pagod! kay papa cologne's brother pa lang eh sulet na! hehehe...


Petiks mode

Yey! Blog ulet! after 10 lightyears, nakakapagblog ulet ako..
Dito na ulet ako sa original project ko...petiks mode na naman...next customer please!hehehe..
Kakalungkot lang kahapon kasi last day ko na sa *** eh medyo nakaclose ko na din yung mga tao dun tas hindi ko na sila makakasama...cguro madalang na...
eto ako ngayon...wala na naman ginagawa kundi magbasa ng thread ng cps pips at magbura ng sangkaterbang mails sa inbox... ang saya ng thread!! hiritan kung hiritan...hehehe..
kahapon ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil nakita ko ang aking kras na kasama ang gf nya...tas after ilang seconds okay na ako at biglang...ting! hindi ko na sya kras...turn-off na nga pala ako sa mga may gf na...hehehe...
sayang, di ko narecord ang mga magagandang pangyayari sa buhay ko...dahil blocked nga ang blog dito..hay buhay...
o sya! yun lang!!