Gulong ng Palad

Pag umikot na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao. May saya at mayroon din dusa, wag lang tayong magpapatalo...

Name:
Location: bulacan, Philippines

maldita...

Tuesday, January 31, 2006

better than sex cake

Naghahanap ako ng recipes ng cakes sa net ng mabasa ko to sa isang better than sex cake recipe:
"Gets better with age, just like sex."
Napaisip tuloy ako...paano kung 70 years old na?? It comes with age pa din?? saka meron bang 'better than "better than sex cake" cake'?
Hirap ng walang magawa....

approved na VL ko for Feb 16-17...yezz!!! bakasyon na to!! hehehe...sana matuloy UP Fair namin ng malditas sa Feb 15, tas punta naman ako sa Lb ng 16-19. ayoz!!! tinanong tuloy ako ng TL ko "May Valentine's vacation ka ba? " ...josko po...how i wish nagcecelebrate ako ng valentine's. eh wala nga akong chorva...kahit naman meron wala naman difference ang valentine's day sa ibang araw, di ba? hehehe...bitter ocampo in the haus!!! hahaha!!

sa mga balak magbigay sa akin ng flowers sa Valentine's day (asa pa ako), pede pong chocolates na lang??hehehe...

eto pa isa kong nabasa sa notes namin sa chocolate making class: "Chocolate contains phenylethylamine, or PEA. PEA is a chemical also found in the brain and is responsible for raising blood pressure and increasing heart rate; it is released when feelings of lust or passion is present. No wonder chocolates make you feel like you're in love!". Kaya kuntento na ako sa chocolates...hehehe...

Kahapon ay may sablay moment na naman ako. Nasa supermarket na kami ni Carlo at ako'y bumili ng babaunin ko saka ng chocolate drink. Nung magbabayad na ako, di ko makita yung wallet ko. Hay nakow! Nalimutan ko sa ofis! Tas itong si Caloy eh nangunguripot (peace Carlo!). Wala din syang pera. Buti na lang may 150 pesos pa sa coin purse ko. Kaya binawasan ko na lang yung dapat kong bayaran para mapagkasya ko yung pera na pambili at pamasahe. In fairview, nilibre ako ng pamasahe ni Caloy sa bus papuntang Guadalupe at ako naman ay nakauwi ng maayos sa aming apartment.hehehe... Thanks Carlo!

Monday, January 30, 2006

Letseng picture

Hay nakow!! Kainis talaga yung nagpicture sa akin para sa Passport ko. Madilim saka mas maliit sa dapat na size!!! Eh ganon daw sila magpicture eh...like haller?? so kasalanan ko pa kung baket di natanggap yung application ko for passport kasi sa kanila ako nagpapic at palpak sila magpicture....josko!! never na akong magpapapicture sa kanila!!! sayang tuloy 100 pesos ko!! e di sana pinanglaro ko na lang sa timezone yun o kaya pinambili ng donut...hmpf! tswe!!

hirap ng walang magawa...akalain nyong nameet ko yung deadline ng object ko ng friday after lunch...hohoho..

gusto ko magbakasyon!!! gusto ko punta sa bohol o kaya sa boracay!! hehehe...
paging jay, uuwi ka sa summer sa bohol??? sama ako ha??? hehehe...

malditas, galera na lang wag muna boracay...next year na lang boracay natin...hohoho...


i filed a 2-day VL for Feb 16-17. sana payagan ako....mukha kasing nakahalata TL ko na everymonth, nagpa-file ako ng VL...hehehe...sensya na po...nagkataon lang na sunod-sunod yung celebration...and i really wanted to have vacation once a month...to take time-out from this stressful-minsan-walang-ginagawa work. Bored na ako sa ofis eh. kung wala pa yung maldita friends ko, baka mabaliw na ako...feeling ko nga may sarili na akong mundo dito sa 4 na sulok ng aking cube...

ano kaya magandang business? kahit hindi biglang yaman okay lang basta kumikita saka gusto ko yung ginagawa....clothes???pede kaso paano magbenta?? accessories??like haller!! maarte ako pero di wala akong art sa katawan...hahaha!! foods??baking??chocolate making??! pede kaso takot ako magbukas ng oven!! hahaha!! thanks to my loveable kuya kasi hindi ako makakapagbake kung wala sya..hehehe..hay...think icar, think!!

kunwari nag-CBT ako pero in fact, I'm searching for different recipes...hahaha!!! try ko lang tas pag okay, ayos na ako na yung magluluto sa fiesta namin!! hehehe...

haayyy...ang bagal ng internet connection tas lagi pang disconnected sa YM...di tuloy ako makapagchat...waaaahhhhh!!!

lapit na feb fair!! yez!! i'm egzayted na makita yung isang taong tagal ko na di nakikita...magmamaganda nga ako...hahaha!!! asa pa icar...ilang months ko nang ginawa at wala naman nangyari...ako'y nagsilbing isang poste pa din sa kanyang paningin...wala ka bang pakiramdam??hmpf! tswe!! iseduce ko na kaya sya?? o kaya pikutin?? kaso ayaw ko naman ng pikot...ayoko pa po mag-asawa..hehehe...gayuma?? sabi ni bayan epektib kaso ganito..ganyan..blah..blah...time will come, mapapasaakin din sya!!!wahahahaha!! dream on!!hehehe...

Food Trips

Kung may movie pics, meron din food establishments pics...


Piolo and Isabel??? Hehehe... Max's at Sm Makati


McDo Greenbelt



Burger King at Glorietta


Jollibee at Ayala

Friday, January 27, 2006

Weekend na!!

It's Friday!! Yez!!! Hahaha!! Ang saya!! Natapos din yung ginagawa kong program. Aba! Dapat lang noh? 1am na ako nakauwi tas hindi ko pa sya matatapos...thanks to Aira kasi nakitulog sya sa apartment at may kasabay akong umuwi...lipat ka na sa amin!! hehehe... to Carlo (kuya-kuyahan ko..hehehe..)..thanks sa pagbabantay kahit sa text...napuyat ka ba? thanks sa concern.. sa jacket ni Del!! thanks Del sa jacket! prang acknowledgment noh??hahaha!!
Hay...excited na akong umuwi sa Bulacan kahit halos every weekend eh umuuwi ako...namimiss ko kasi sila lalo na mga pamangkin ko... iba pa din pag nasa bahay...iba yung feeling..hay...cry baby na naman ako dito sa cube ko...hehehe...
Nga pala, happy birthday Jam!!! Libre na to!! hehehe...
Miss ko na si Kingmaw...kasi naman mag-away daw ba? Hmpf! Bahala na what will happen next... I will not make any move anymore para makipagbati sa kanya noh? Kahit may fault ako sa nangyari, sa sinabi nya di ko maisipan na mag-sorry sa kanya... Kalimutan na ang lahat...Mas okay na nga siguro na ganito.. pag nagkita kami, siguro dedma na lang.. hay buhay... I-quote ko lang, from Jessica Zafra's 'Chicken Pox for the Soul'..." if there is a problem and you discuss it openly with the people concerned, they will tend to hate you."
lapit na Feb Fair!! Excited na ako!! hehehe...I'm going to file a VL for 2 days kaso ano kaya excuse ko?? halos everymonth may 1 day Vl ako..papayagan kaya ako?? why not, chocnut?? hehehe...sana po payagan ako kundi bahala na kung ano ang next move ko para makapagbakasyon sa LB!! Miss ko na LB!!!
Mamau, kaya mo yan!! Tapusin ang SP!! Ibaling dyan ang oras at atensyon...hehehe... be strong girl!! Alam kong kaya mo kung ano man yung mga trials na dumarating ngayon.. at kung kailangan mo ako, sa sandaling bigo na ang lahat.. kailanman ay di kita matitiis....sa sandaling kailangan mo ako......handa awit!! hahaha!!
O sya!! happy weekend sa lahat!!
Nga pala, good luck Abby!! kaya mo yan!!

Thursday, January 26, 2006

Mga sablay moments...

Ito ay ilan lamang sablay na hirit at moments sa aking buhay...

Isang araw sa aming team meeting:
TL : Pag nga may game si Michael Jordan, lagi ang haba ng pila...ang bagal pa..
Ako sabay bulong sa katabi: Kasi si Michael Jordan yung namimigay ng ticket kaya mahaba pila...hehehe...
Tumawa ang mga nakarinig
TL: Ano daw?
Members: Si Michael Jordan daw po yung namimigay ng tickets kaya mahaba yung pila.
Hala! Lagot! hehehe...

Ako nakikipag-usap sa manager.
Manager: Dami ko na din napagdaanan...FoxPro, Oracle..etc..etc...nung college Pascal lang..
Ako: Pascal lang naman po talaga yung inabutan nyo nung college eh..
Manager: Itong batang to! Anong tingin mo sa akin?
Peace tayo sir!!

We had this email tungkol sa pagpunta ni jazz sa bohol. Biglang sabi ni abby, mag-uwi daw si jazz ng tarzan galing bohol...e di ba tarsier??hehehe...Dory talaga...

Kanina, gumawa ako ng tuna spread. Nagtataka ako baket ang dami saka may sabaw. Yun pala, di ko natanggal yung oil. Sablay!! balewala yung mayonnaise na nilagay ko...huhuhu...

Me and Jillee joking around during our chocolate making class...
teacher: Pede nyo gamitin dahon ng guayabano para pang-mold ng chocolate.
Jill: Pede kaya dahon ng saging?
Ako: Eh dahon ng buko? ano kaya itsura nun?
Jill: Paano naman kung sa makahiya mo ilalagay? O kaya tyagaan, sa malunggay..hehehe...
Sensya na...wala kaming magawa nung time na yun..

Malditas during lunch..
Icar: Natikman nyo na yung pabo? Di ba masarap yun?
Jill: Ano ba English sa pabo? Owl?
Ice: Hindi.
Karen: Peacock?
Ice: Hindi din.
Jill and Karen: Eh ano?
Ako naman ay di maksagot kasi di ko din maisip kung ano nga ba yung English ng pabo.
Ice: Turkey.
Nyahahaha!! Turkey nga naman.

yun lang muna...wala akong maisip isulat eh...hehehe..

Bago ko malimutan, kagabi ay 11:00 pm na ako umuwi..maaga pa yun compared sa iba kong kasama na madaling-araw na umuuwi..kakatakot lang talaga maglakad mag-isa sa may boni.Sabi ng kaibigan ko, kelangan daw mag-bf na ako para may susundo sa akin..like haller?? di naman schoolbus yung magiging bf ko para sunduin ako lagi di ba?? hehehe...

Another sablay moment for me...pauwi na ako kaninang 8pm nang maalala kong may email pala ako tungkol sa testing na ginagawa ko...jusko pineapple!!! kaya eto ako ngayon, 11:15pm na at di pa tapos ang ginagawa...huhuhu...goodluck sa akin....

Kanina ko lang narealized na may aircon pala sa tapat ng cube ko...jusme!! eh november 3 pa lang andito na ako, tas kanina ko lang napansin na may aircon pala dito!! kung hindi pa pinalitan yung screen ng aircon sa tapat ng cube ko, di ko malalaman na may aircon...kaya pala kahit anong gawin ni sin chan (yung malapit sa cube ko) para medyo mawala yung lamig ng aircon na dumadapo sa aming balat, ako'y patuloy pa din giniginaw..kasi pala, may aircon sa tapat ko....hohoho...watoingkkkkkk!!!!

Family Pics

Share ko lang family pics namin...


One big happy family!!


Dito kami lang magkakapatid saka si mader and fader.Mukhang ako yung bunso kahit hindi.hahaha!!


Me and my cute pamangkin


Mangahas clan last New Year's Eve


I really love them!!!

Kulangot

Ang inyong mababasa ay halaw sa tunay na pangyayari.Ito ay naganap noong ika-11 ng Enero, taong kasulukyan.
Babala: bawal sa mga batang manonood. Patnubay ng magulang ay kailangan...
Pasintabi na din sa mga kumakain....

Isang kahindik-hindik na pangyayari ang naganap sa isang magandang babae kagabi sa ganap na 11:30. Napag-alaman na ang babaeng ito ay galing sa gateway dahil nanonood ng Narnia kasama ang kanyang mga kaibigang maldita. Habang naglalakad ang babae pauwi sa apartment na kanyang tinutuluyan ay may nakita syang lalaking nangungulangot....Akala nya ay wala lang kaya't sya ay patuloy sa kanyang paglalakad...Mayamaya ay lumapit sa kanya ang lalaki at akmang ipapahid sa kanya ang kamay na ginamit sa kanyang pangungulangot...henghenghengheng(sound effects po yun sa mga crime scenes...demo ko na lang mag nagkita tayo..hehehe...)....umiwas ang babae at buti na lang sya ay nakajacket at hindi naipahid kanya mismo ang kulangot...sa kaba ay tumakbo ang babae pauwi at pinagmumura ang lalaking adik yata...sa sobrang inis ay nagulat ang kanyang mga hausmates dahil pabagsak nyang isinara ang kanyang pinto...at ikinuwento ang mga nangyari sa kanyang hausmates....

narito po ang ating panayam sa biktima:

Reporter : Musta na po kayo?
Biktima: Hindi
okay. $#@$&^#! putakti! kinabahan ako at nandiri sa nangyari...Kung alam ko lang na ganon ang gagawin nya, sana ay nangulangot din ako para makaganti at ipinahid ko din sa kanya. Iyon ang ikinakasama ng aking loob, hindi ko sya napahiran ng kulangot...hindi ako nakaganti!!!! Letseng lalaking yun!!!
R: Ano na po ang inyong ginawa pagkatapos?
B: Pagkadating ko sa bahay ay hinubad ko agad ang aking jacket at ito ay ibinabad ko. Naligo na din ako ng alcohol. Pumunta sa isang tabi, nagdasal ng ritual para kulamin ang masamang lalaking yun...May natutuhan ako sa nangyari...Kelangan maging handa...kung may nakita kang nangungulangot ay mangulangot ka din para kung sakaling ipahid sa iyo yun may ipapahid ka din sa kanya...
R: Maraming salamat po magandang binibini.

At iyan po ang buong pangyayari hinggil sa kahindik-hindik na krimeng naganap. Eto po si Julius Babay, nag-uulat....


Kinabukasan naman, isang pangyayari ang naganap kaugnay ang pangungulangot. May katabi akong lalaki sa jeep....sya pa naman ay lebel. Akalain nyong nagdadial sya ng kanyang numero gamit ang kanyang ilong at hintuturo. Pagkatapos ay may binibilog sya at itinapon.OMIGOSH! at ilang ulit nya itong ginawa. Napaisip tuloy ako : 'Mukha ba akong poste at ako'y napapalapit sa mga ganitong pangyayari?'.

Iyon lamang po ang istoryang kulangot...



Wednesday, January 25, 2006

Senti Mode muna...

Senti mode muna ako....I got this article from http://www.peyups.com/article.khtml?sid=4135 . May tinanggal lang akong konti...hehehe...
Kung sino man ang sumulat nito...thanks a lot! Kung para kanino man ito...hindi ko din alam...
Kay B***** F*******, kung ayaw mo na sa akin, e di wag! Para kang tumanggi sa grasya at umayaw sa dyosa...kalimutan na kung kalimutan...babangon ako at bukas luluhod ang mga tala...hmpf! Tswe!! hehehe...jowk lang. ;)


My Moving On Letter

This is my way of moving on, of saying goodbye to a love that was never meant to be and was never mine to begin with.
You know, I've never really understood what happened between us...how and why we came to this - not seeing each other for months at a time, barely talking, barely even on speaking terms. But then again, was there ever an us to begin with? We were just friends who started spending a lot of time together, talking, eating, and playing bridge...we would always choose to closely sit next to each other with your arm around my shoulders and my hand on your lap...we would hold hands and be very affectionate with each other...we even had private jokes that we didn't want to explain or share with anyone else...and every moment we spent together was fun even if we weren't doing anything at all. Friends say that there's this tenderness with which we look at each other, a twinkle in our eyes and a soft smile on our lips that held so much promise.Even now it would make me smile to think how fast and how far things have gone from there... but what we had was never formalized, no words were spoken, nothing clarified nor explicitly admitted. We were playing mind games practically all the way.

I never knew if you loved me back, I never asked. At first it was because I truly believed there wasn't anything out of the ordinary that needed questioning, and when it finally dawned on me, it was too late. You seemed to have changed your mind already. From this point onwards, things went from happy, even blissful, to downright ugly. Suddenly it was as if we didn't know each other. You stayed as far away from me as possible. This time I wanted to talk, clear things up once and for all, but you didn't want to. And no matter what I say, everything falls on deaf ears. Eventually, I thought it was better to keep my silence, to just give you the space you're asking for.
But though I may not have said anything...I loved you with all my heart, and love you still, but I'm tired - I'm tired of fighting for a love that has lived its moment...of living on memories that are special only to me...
Thank you for everything...for taking away my insecurities; for showing me that people do love me for who I am; for making me understand that people I love will hurt me but it doesn't necessarily mean they love me any less, and that when they do hurt me, it is possible to forgive, forget and move on with life; for making me realize it is possible to trust again after getting hurt. Thank you too for giving me the most painful lesson in my life thus far...that the moment you love someone you have given him the capacity to hurt you, that how much you hurt is equal to how much you have loved, that getting hurt is proportionate to having too many expectations. Thank you for accepting me and allowing me enough room to grow at the same time...for inspiring me and making me want to become a better person. Thank you for being there when I needed you - for the silly and the serious moments; for making me laugh, smile and cry all at the same time; for holding my hand when I'm nervous or scared; for giving me a hug and wiping away my tears when I'm sad or confused; for never failing to make me feel better no matter how down or how depressed I've become; for unselfishly sharing my joys and my happiness. Most of all, thank you for making me feel special, for making me feel loved, even if it was so ambiguous and so fleeting I was hardly conscious about it.
I'm sorry things had to come to this - I wasn't supposed to fall in love with you after all, and I wasn't supposed to expect anything to come out of our playing pretend either. But even if everything got so painful, I'm still glad to have known you, to have had you in my life even for just a short while. I've heard people say that while some good things never last others don't even start - I guess that fits us exactly...we could have been good together...good for each other, but then since we never really gave ourselves a chance, things had ended before they even began.
I'm letting you go, I'm letting us go. I've finally accepted that this is the way things would have to be, that i should allow us both to be free enough to seek whatever it is that will truly make us happy. Even if it isn't with each other.
I must admit you probably won't be too far away from my thoughts, and that thinking of you will still bring that tinge of sadness and regret. But I'm okay. I will be okay. Loving again may take awhile though. For now, I'd concentrate on healing myself, on making myself complete on my own - so that when the right one finally comes, I'll be able to give myself to him as I would have wanted to give myself to you.
Wherever life may lead us from here...good luck!

Muling pagtatagpo

Nakalimutan kong ikwento ang muli naming pagtatagpo ng aking obheto noong lunes...ganito ang kwento....tinginingining....
Ako ay maagang pumasok dahil ako ay nanggaling pa sa bulacan...ang probinsyang aking sinilangan. Pagpasok ko sa opisina, hindi ko mawari kung anong magnet ang naghila sa akin upang ako ay lumingon sa pantry (sapagkat ito ay aking madadaanan papunta sa aking cube). Paglingon ko ay nakita ko ang aking obheto. haayyyy...first thing in the morning, sya ang nakita ko. dahil sa kasabikan na sya ay aking mabati man lang, ako ay nakaisip ng isang paraan upang ako ay kanyang mapansin. TING! dumiretso ako sa pantry, tumungo sa may ref at kunwa'y may ilalagay dun (kahit wala). Sya ay napalingon sa akin, kanya akong binati ng 'Uy!' at ako'y binigyan ng isang matamis na ngiti. Sya ay binati ko din at binigyan ng isang simple ngunit abot hanggang tengang ngiti...haayyy...nanigas na naman ako at hindi man lang nakaapuhap ng sasabihin upang kami ay may mapag-usapan..

Pang-apat na pagtatagpo....
Kaninang tanghali ay napag-usapan namin ng malditas na pumunta sa rob para bumili ng merienda ko at maglaro sa Tom's World. habang hinihintay namin sa kambeng sa kanyang pagbaba mula sa ikawalong bundok ay sya naman paglabas ni obheto. Sya ay papunta din sa Rob at may tsansa na kami ay magkasabay sa elevator. Nang biglang 'TING!'. bumukas ang elevator. Sa kagustuhan na sya ay makasabay, idinalangin ko na sana ay andun sa elevator na yun si kambeng. ngunit sa kasawiang palad, sya ay wala dun! Josko!! Kambeng, it's all your fault kung baket di ko sya nakasabay!!waaaahhhh!!!
pagdating sa supermarket, akalain mong andun si obheto at namimili din. Nagkataon na magbabayad na kami pareho ng aming mga binili. Syempre, magkasunod kami sa pila. Binati nya ako ng 'Uy!' (nga pala, endearment namin yun.hohoho..feeling ako!! hahaha!!). Sa hindi malamang kadahilanan, ako ay hindi nakakibo at ngiti lang aking itinugon sa kanya. Hay naku ako!! Tameme na naman... Dahil doon, ako ay niloko na naman ng aking mga kaibigang maldita. Dahil sa lokohan, ang sales lady at ang bagger ay nalaman ang aking kahinaan at nakikitawa na din sila.
Hay!! kailan kaya kaya ako makakapagsalita ng maayos at makakausap sya pag sya ay kaharap ko na? Kailan....kailan..kailan mapapansin ang aking lihim...kahit anong gawing lambing, di mo pa din pansin...

Getting Bored

I'm starting to get bored with my job...pagkadating sa ofis, upo sa seat, harap sa PC, tas tumitig maghapon sa kaharap na monitor ...ang dahilan na lang para tumayo at lumayo sa kasalukuyang kalagayan ay magwiwi, mag-ayos ng itsura sa washroom, kumuha ng inumin at kumain pag luntz... minsan nagtatyaga maglaro sa amoy-paang Tom'w World sa Robinson's Fayonir... minsan, naiisip ko na din magresign at maghanap ng ibang trabaho...yun talagang gusto ko...kaso parang mahirap yata yun... eh sa programming lang ako may background..pano kaya yun?? saka kung magreresign ako, paano na ang aking pamilya na aking binubuhay, ang aking kapatid na nag-aaral, paano na kakain ang sambayanang Pilipino, paano na ang planetang dynpro, ang samahan ng malditas???OMIGOSH!!! hehehe...jowk lang...
anyway highway, kelangan ko lang maging matatag at ipagpatuloy ang laban na aking sinimulan..kung hindi ngayon...kelan pa?? darating ang araw, babangon ako at luluhod ang mga tala... hay naku!! tama na nga ang kabaliwan na ito...
sa mga nakakakilala sa akin, pakiusap lang po....pag wala ako sa opisina, sana ay wag akong tanungin tungkol sa aking trabaho o pag-usapan ang anumang bagay na related dito...dahil po ang aking utak pang-opisina ay iniiwan ko dito sa opisina...yun lang...hehehe...kung may ihahabilin kayong importante, sana po ay itext nyo sa akin upang ito ay aking maalala, sapagkat lahat ng impormasyon na ipinapasok sa akin utak pag nasa ofis pa ako ay nakakalimutan ko na pagdating sa bahay...except na lang pagdating sa mga personal na bagay..hehehe...

Tuesday, January 24, 2006

Kayod kalabaw

9:30 na pero nandito pa din ako sa apat na sulok ng opisina at nagtatrabaho na parang isang kalabaw (hahaha!! asa pa!)...di ko alam kung gusto ko nang umuwi o ayaw ko pa...gusto kasi gusto ko nang magpahinga...ayaw kasi gusto ko magpakabusy at wala masyado iniisip (at ano naman ang iniisip ko, aber??). haayyy layp....naaalala ko kanina sa meeting, sabi ko kay sir henry ayaw ko ng job ko kaso no choice. gustuhin ko man magshift ng career eh saan naman ako pupulutin? ako'y isang dakilang ComSci grad ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din magustuhan ang propesyon na aking tinahak...tinanong ako ng aming manager kung ano daw ba ang gusto ko. ang aking isinagot ay "gusto ko lang po magluto". At sya ay nagtaka dahil ang layo nga naman ng pagluluto sa pagiging isang alagad ng planetang dynpro. Sana, balang araw, ay tuluyan ko din matanggap at gawing bahagi ng aking buhay ang planetang dynpro..watalayp!!!

chocolate making with malditas


Last saturday, nag-attend kami ng chocolate making session ng aking mga kaibigang maldita. Sa lahat ng chocolate na aming ginawa, ang Bailey's Chocolate truffles ang aking pinakagusto (maging ng aking mga kapatid). Heto ang ilan sa aming mga larawan....


Habang naghihintay ng mga kasama...


Sample chocolates


Nagkukunwari...





Kasama ang aming guro sa pagluluto..


ang aming finish products...


Pagkatapos ay pumunta kami sa Glorietta para kumain at maglaro sa Timezone...actually dapat nood kami ng sine, kaso di natuloy...baket kaya kambeng???sa tingin mo???hehehe..
share ko lang tong konting pics namin sa G4...



Tensionado

Hi Kingmaw, peace tayo ha?

Tensionado
Soapdish

Tensionado
Nagulat din ako
Nong malaman na hindi lang pala ako
Yung nanghinayang
Nong nagaway tayo noon
At natuluyan sa iyakan at tampo

At sandali lang
Huwag ka munang magsalita
Di ko hahayaan lahat ito ay mawala
Ang iniisip ko kung pwede pa ba tayo

At miserable
Paulit-ulit lang ang nangyayari
Paikot-ikot tayo parang bote
At nasanay ka na ba doon
At nalimutan ang aking mga tanong

At hindi malinaw
Pwede bang wag kang sumigaw
Di ko hahayaan lahat ito ay maligaw
Nagtatanong sayo kung pwede pa ba tayo

At sandali lang
Huwag ka munang magsalita
Di ko hahayaan lahat ito ay mawala
Nagtatanong sayo kung pwede pa ba tayo

Posted from http://www.kumanta.com/lyrics-13890.htm

Friday, January 20, 2006

Chismisan

Ang mga tauhan sa pangyayari dito ay itinago sa tunay na pangalan upang ating mapangalagaan ang kanilang reputasyon...

KAMBENG (9:10:20 AM): balik tayo kay SANGRE. gusto ko yung issue niya e....:D
KAMBENG (9:10:31 AM): HB bumanat ka nga ng isang matinding tanong diyan... yung parang kay freud
DORY(9:10:48 AM): oo nga SANGRE...kwento nmn jan!
KAMBENG (9:10:48 AM): "let' take it slow... so slow"=))
HIGHBLOOD(9:10:53 AM): susubukan ko iyong kamahalan..
HIGHBLOOD(9:11:15 AM): kelan, saan at bakit ka PniM nitong boylet mong ito?
KAMBENG (9:11:26 AM): ayun...
HIGHBLOOD(9:11:26 AM): ano any iyong unang naging reaksyon?
KAMBENG (9:11:32 AM): ayos....
HIGHBLOOD(9:11:37 AM): ano naman ang una mong nasabi?
HIGHBLOOD(9:11:43 AM): ano ang una nyang nasabi?
HIGHBLOOD(9:11:59 AM): anong ginagawa mo habang nangyayari ito?
KAMBENG (9:12:16 AM): :)) dedma si SANGRE....kj! :D
HIGHBLOOD(9:12:27 AM): ngumiti ka ba habang nagtitype ka?!
STRONGTEETH (9:12:38 AM): ANO ANG UNA MONG KINAIN PAGKATAPOS MANGYARI ANG INSIDENTENG ITO?
HIGHBLOOD(9:12:49 AM): kinikilig na parang may kumikiliti sa iyong kilikili?
STRONGTEETH (9:12:55 AM): napa-kuyakoy ka ba habang kinakausap mo sya?
KAMBENG (9:13:00 AM): lumuwang ba panty mo?
STRONGTEETH (9:13:06 AM): =))
DORY(9:13:17 AM): yikee,,,
STRONGTEETH (9:13:23 AM): nanigas ba ang daliri mo?
DORY(9:13:23 AM): wet dreams?
HIGHBLOOD(9:13:23 AM): tumulo ba ang iyong laway>
DORY(9:13:23 AM): ewww
DORY(9:13:28 AM): hahahahahahah
HIGHBLOOD(9:13:34 AM): naartes ka ba sa sobrang egsaytment?
HIGHBLOOD(9:14:17 AM): lumabas ba ang iyong puso sa iyong dibdib?
SANGRE (9:14:17 AM): kelan, saan at bakit ka PniM nitong boylet mong ito? --> PM nya ko once in a while, pero padalas ng padalas, invite nya ko sa bday ng pamangkin nya. Nameet ko na yung family nya kasi kasama nya ko sa hospital nung nanganak yung ate nya. NOTE: monthsary namin yun ng **** ko, supposed to be nung break kami
STRONGTEETH (9:14:17 AM): naipon ba ang saliva mo sa left ventricle ng dila mo o sa hamstring lang ng cheeks mo?
HIGHBLOOD(9:14:17 AM): nagkaroon ba ng mga munting puso ang iyong mga mata?
KAMBENG (9:14:22 AM): naaartes nako....
SANGRE (9:14:22 AM): ano any iyong unang naging reaksyon? -> wala
SANGRE (9:14:39 AM): ano naman ang una mong nasabi? --> Good morning
SANGRE (9:14:50 AM): ano ang una nyang nasabi? --> Good morning my sunshine
DORY(9:15:10 AM): yikeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
HIGHBLOOD(9:15:10 AM): ayunnaman pala ang pickup line!
DORY(9:15:10 AM): :x
SANGRE (9:15:10 AM): anong ginagawa mo habang nangyayari ito? --> Nag-oorganize ng mail
SANGRE (9:15:26 AM): ayos a parang salarin ako sa isang krimen >:)
KAMBENG (9:15:43 AM): "YOU'RE MY SUNSHINE ON A CLOUDY DAY"" :x
STRONGTEETH (9:15:54 AM): ano any iyong unang naging reaksyon? -> wala-> ayon kay freud "if you say that there is nothing, then it is full of depth"
HIGHBLOOD(9:15:54 AM): :x
AKO (9:16:10 AM): silence means yes'
KAMBENG (9:16:21 AM): maganda...... pangsalawahan ang istorya. syempre SANGRE hindi alam ni **** ang mga pangyayaring ito... tama ba ako?
HIGHBLOOD(9:16:27 AM): u r my sunshine u make me happy when clouds are grey --> anlabo!
STRONGTEETH (9:16:59 AM): "silence means you are farting"
KAMBENG (9:16:59 AM): wiwi lang me ha..... sandali.......
HIGHBLOOD(9:17:42 AM): i can no longer fathom the depths of this conversation.. in laymans term ms. freud..
SANGRE (9:18:25 AM): ngumiti ka ba habang nagtitype ka?! --> hindi maciado
HIGHBLOOD(9:18:25 AM): KAMBENG: wiwi lang me ha..... sandali....... --> ayon kay freud ang pagwiwi ay katumbas ng pagartes!
SANGRE (9:18:31 AM): kinikilig na parang may kumikiliti sa iyong kilikili? --> hindi
SANGRE (9:18:42 AM): napa-kuyakoy ka ba habang kinakausap mo sya? --> hindi
SANGRE (9:18:53 AM): lumuwang ba panty mo? --> hindi rin
SANGRE (9:19:04 AM): nanigas ba ang daliri mo? -> sa lamig
AKO (9:19:10 AM): lumuwang ba panty mo? -->>e nahulog??
SANGRE (9:19:16 AM): tumulo ba ang iyong laway> --> hindi
KAMBENG (9:19:22 AM): i'm back!!!
SANGRE (9:19:22 AM): naartes ka ba sa sobrang egsaytment? --> hindi rin
KAMBENG (9:19:27 AM): at hindi ako umartes....:D
SANGRE (9:19:38 AM): lumabas ba ang iyong puso sa iyong dibdib? --> hindi, gifted lang talaga kaya ganyan
SANGRE (9:19:55 AM): nagkaroon ba ng mga munting puso ang iyong mga mata? --> hindi, pero may muta yata ako
KAMBENG (9:20:11 AM): lumabas ba ang iyong puso sa iyong dibdib? --> hindi, gifted lang talaga kaya ganyan--------------> =)) asset ni SANGRE yan!!!!
SANGRE (9:20:33 AM): maganda...... pangsalawahan ang istorya. syempre SANGRE hindi alam ni **** ang mga pangyayaring ito... tama ba ako? --> hindi nga.. kaya quiet lang tayo...
KAMBENG (9:21:16 AM): ayun......... pero mahirap yan SANGRE ha
STRONGTEETH (9:21:22 AM): i-assess mo nga ang mga kasagutan ng ating pasyente, assistant Freuds (jill n dayan)!
SANGRE (9:21:27 AM): lumabas ba ang iyong puso sa iyong dibdib? --> hindi, gifted lang talaga kaya ganyan--------------> asset ni SANGRE yan!!!! ----> hehehe...
SANGRE (9:21:44 AM): ayun......... pero mahirap yan SANGRE ha ----> mahirap pag nalaman

SANGRE (9:21:49 AM): >:)
KAMBENG (9:22:06 AM): wala ba kayong common friends dito SANGRE na pwede mag chuchu kay **** ng pinaggagagawa mo dito sa maynila?
SANGRE (9:22:11 AM): hindi naman kami nagpPM
SANGRE (9:22:17 AM): ng maghapon
HIGHBLOOD(9:22:17 AM): ayon sa aking pagsusuri...(kung hindi ito istoryang pangsalawahan.. bakit mo sinabi na QUIET lang kme?)
SANGRE (9:22:28 AM): ilang palitan lang ng messages sa umaga, tapos yun na un
KAMBENG (9:22:39 AM): i cannot assess our patient's answers. dahil puro YES AT NO lang... hindi ineelaborate.
SANGRE (9:23:12 AM): ayon sa aking pagsusuri...(kung hindi ito istoryang pangsalawahan.. bakit mo sinabi na QUIET lang kme?) --> kasi baka malaman ni IMAW o ni DUGS?!
SANGRE (9:23:12 AM): :-&
SANGRE (9:23:23 AM): nangangalisag ang mga balahibo ko
SANGRE (9:23:34 AM): 8-}
KAMBENG (9:23:34 AM): ilang palitan lang ng messages sa umaga, tapos yun na un----------> PARANG DEFENSVE ANG PAGKAKASAGOT...
SANGRE (9:24:30 AM): sige ipopost ko yung pinag-usapan namin
KAMBENG (9:24:30 AM): kasi baka malaman ni IMAW o ni DUGS?!-------> so ibig ba sabihin nito ay baka "rin" magselos ang 2 pang askal sa pinaggagagawa mo? ganu ba?
SANGRE (9:24:30 AM): ay wala na pala
SANGRE (9:24:30 AM): naclose ko na yung window
SANGRE (9:24:30 AM): hehe
KAMBENG (9:24:30 AM): biglang kabig......
SANGRE (9:24:41 AM): kasi baka malaman ni IMAW o ni DUGS?!-------> so ibig ba sabihin nito ay baka "rin" magselos ang 2 pang askal sa pinaggagagawa mo? ganu ba? --> KAKILA-KILABOT NA BIRO
KAMBENG (9:24:47 AM): BAKA MAY MGA "SWEET NOTHINGS....";;)
DORY(9:24:58 AM): maganda...... pangsalawahan ang istorya. syempre SANGRE hindi alam ni **** ang mga pangyayaring ito... tama ba ako? --> hindi nga.. kaya quiet lang tayo... ------>aba naman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
SANGRE (9:24:58 AM): ayan na, nagping ulit
KAMBENG (9:25:03 AM): i miss shu..... i wabyu....;;)
SANGRE (9:25:03 AM): mahal na ata ako talaga nito e
SANGRE (9:25:03 AM): =))
KAMBENG (9:25:36 AM): mahal na ata ako talaga nito e-------------> YOU GO GIRL!!!!!
SANGRE (9:25:41 AM): rex1: ::)
KAMBENG (9:25:41 AM): :D
KAMBENG (9:25:47 AM): >:)
STRONGTEETH (9:25:47 AM): sabihin niyo sa akin kung tapos na tayo sa couple story 1... dahil may good news ako ukol sa couple story 2.. :x:x siguradong kikiligin na naman tayo!!!!
STRONGTEETH (9:26:42 AM): tapos SANGRE.. baka sa iba niya pa ipakita ung red na brief!
DORY(9:26:42 AM): hahahhahahahahahha :))
KAMBENG (9:26:48 AM): ayos lang na may kalantaryuhin siyang ita sa bundok?
DORY(9:26:48 AM): di pa naman kasal...ok lang yaaaaaan! :))
DORY(9:26:53 AM): nakow..patay na!
SANGRE (9:27:04 AM): ok lang yun
SANGRE (9:27:10 AM): haha
KAMBENG (9:27:53 AM): ok lang na iba ang humimas ng binigay mong pulang brief sa kanya???!!!
AKO (9:28:26 AM): e di humimas ka din ng ibang brief
SANGRE (9:28:32 AM): maghahalo ang balat sa tinalupan
DORY(9:28:32 AM): ahhhhhhh
AKO (9:28:33 AM): :))
STRONGTEETH (9:29:01 AM): AKO: e di humimas ka din ng ibang brief ---> =))#:-S
DORY(9:29:50 AM): hahahhahahahhahahahahhahahah nakakatawa ka icar!!!!!!!!!!!!!!!! :))
HIGHBLOOD(9:30:33 AM): AKO: e di humimas ka din ng ibang brief --> bakla ka ba, babae, lalake, tomboy, butiki, baboy, unggoy, pervert, nasa loob ang kulo, nasufres o ganyan ka lang talaga..? :-/
KAMBENG (9:30:49 AM): so kaya SANGRE tinatry mo rin maging salawahan ngayon? ganun ba o flingfling lang yung ngayon. wala lang, palipas oras at init...:D

HIGHBLOOD(9:33:45 AM): 'when u love someone u dont play or fool around..' -sigmund freud
DORY(9:33:45 AM): teka...define salawahan nga...ngugugluhan ako!
SANGRE (9:34:18 AM): ok ok.. I'm not playing around. I'm just being "friendly" :D
HIGHBLOOD(9:34:50 AM): STRONGTEETH: ano ang sasabihin ni kant? hindi ba labag ito sa etika ng pag-ibig? --> kant? naku.. iba naman..
STRONGTEETH (9:35:01 AM): "being friendly is an act of pervertion"-- sigmund freud
SANGRE (9:35:23 AM): LOLz
HIGHBLOOD(9:35:29 AM): salawahan ayon kay karl marx ay ang pagsagot sa PM ng isang boylet na hindi mo boyfriend..
HIGHBLOOD(9:35:45 AM): bati tyo SANGRE >:D< :)>-
SANGRE (9:35:51 AM): salawahan ayon kay karl marx ay ang pagsagot sa PM ng isang boylet na hindi mo boyfriend.. --> ANOH?!!!
STRONGTEETH (9:35:56 AM): karl marx? #:-S
SANGRE (9:35:56 AM): exxxxaaagggg naman...
STRONGTEETH (9:36:13 AM): susunod na siguro si gandhi.. tas si satur ocampo!
HIGHBLOOD(9:36:13 AM): joke
HIGHBLOOD(9:36:35 AM): not to mention manolong morato!
DORY(9:36:40 AM): hahahahaaahhh satur ocampo eh di ba sa isang ngo yun?!hahahahha
AKO (9:36:44 AM): AKO: e di humimas ka din ng ibang brief --> bakla ka ba, babae, lalake, tomboy, butiki, baboy, unggoy, pervert, nasa loob ang kulo, nasufres o ganyan ka lang talaga? --> di ko din alam...may identity crisis nga ako eh...hehehe...
DORY(9:36:50 AM): eh pano na si erap
HIGHBLOOD(9:37:06 AM): @ icar =))
DORY(9:37:06 AM): ang kapatid ng magnanakaw (ng puso) ay salawahan!

Lakas Trip...


IMAW: Bumbuo, ang kape mo.
HIGHBLOOD: Bumubuo?
IMAW: Bumbuo, as in whole, manhole.
HIGHBLOOD: Ako ay MAnager..Hindi ang MayKapal dupal..
HIGHBLOOD: Bati tayo tuyo!
IMAW: Tama ka don, pugon.
IMAW: Ok lang, bagoong alamang.
HIGHBLOOD: walang anuman superman!
IMAW: Salamat ng marami, bihon & miki.
HIGHBLOOD: ginawa mo naman akong pansit dusit pusit!
IMAW: Wala naman po akong intensyong masama, pusang gagala-gala. ^^
HIGHBLOOD: ganun naman pala bala!
HIGHBLOOD: ako'y mag-aaral na naman bioman..
HIGHBLOOD: salamat sa kape kapre
HIGHBLOOD: hanggang sa muli water lily
IMAW: Galingan mo, kulugo.
HIGHBLOOD: paalam langgam!
IMAW: Goodbye, lullabye.


IMAW : Wacha doin, batman & robin?
SANGRE: nothing pating
IMAW : Wala na raw sa friday, kokey.
IMAW : Sa sabado ko na lang titignan ung mug, eyebug.
IMAW : Okey lang ba yun, sealion?
SANGRE: Sure manure
IMAW : Pero icoconsider pa ba natin ung sa glorietta, puto't kutchinta?
SANGRE: Wag na usa
IMAW : Why, kukong patay?
SANGRE: gusto mo ba saba?
SANGRE: bahala kaw, bangaw
IMAW : Wacha doin, batman & robin?
SANGRE: nothing pating
IMAW : Wala na raw sa friday, kokey.
IMAW : Sa sabado ko na lang titignan ung mug, eyebug.
IMAW : Okey lang ba yun, sealion?
SANGRE: Sure manure
IMAW : Pero icoconsider pa ba natin ung sa glorietta, puto't kutchinta?
SANGRE: Wag na usa
SANGRE: bahala kaw, bangaw
IMAW : Cancanvass ako ng mura, Kirara.
SANGRE: Sige pige
IMAW : Tapos, kapos.
IMAW : Email na lang kita, labanos, mustasa.
SANGRE: Salamat panat


Women in Action

Pede kaya ito sa contest na Accenture Women in Action eh kaso kelangan nagko-comply sa Business Code and Ethics...josko!! baka masisante kami nito!!!!







Sana pede...tas mananalo kami...tas bora na tayo!!! yezzzzz!!!! hahaha!!! asa pa!!!


Thursday, January 19, 2006

Movie Pics

Before ako umuwi, share ko lang tong pics namin...enjoy!!


Hitch with Herbey

In the world of Narnia



Fantastic Four!!


Kampanerang Kuba?????



The Island Escape


Cassanova

Grabe!!! Sobrang miss ko na magposed ng mga ganito...Hohoho...More pics to come!!!

Pangalawang pagtatagpo

ang inyong mababasa ay hango sa elektronikong liham na aming pinagpapalitan ng aking mga kaibigang maldita... ang pangyayaring ito ay naganap noon pang ika-27 ng Oktubre, taong nakaraan...


hay letseng buhay to...bukas maaga akong makakauwi dahil ipapareblast na ang aking PC ng 5:30...o ha!!!
balik **** na ulit ako...ayaw ko na sa *****!! letse!! nakakatuyot ng ganda!!!
pero sa kabilang bada, nakakalungkot dahil hindi ko na gaanong masisilyan ang aking obheto araw-araw...
kelangan ko pang maghintay at magpacute pag luntz pag sya ay mag-iinit na ng kanyang pagkain at maghuhugas ng pinagkainan...
at akalain nyong tumambay dito sa cube ko si aking obheto para makipagkwentuhan!!! wahahahaa!! ang saya!! sya unang nakipag-usap sa akin at tinanong kung bakit lagi akong OT....hahaha!! and the rest is story...hahaha!!! eto ang the best line.

obheto : "e di sa kabila ka na mapupunta...".
ako: "oo nga eh. pede mo naman akong dalawin sa kabila...".
akalain nyo yun!!! hahahaha!!! ang saya!!! hohoho!!!

First Encounter with my obheto

dated August 19, 2005 - Friday:

eto na ang aking magandang kwento.......(with background song na parang sa movie...) isang tanghalian sa 30th floor sa GT Tower, may dalawang magkaibigan na naglalakad sa pantry....at nakasabay nila ang obheto isang lalaking ka-obheto-obheto....nasa likod sya ng isang babaeng "petite" (take note, petite, hindi maliit) at sa harapan naman ng kanyang kasama. si babaeng nasa unahan ay hindi makalingon dahil nagka-stiff neck na naman yata at tuloy-tuloy lang paglalakad habang ang isa nyang kasama ay pinipigilan ang pagtawa. pagdating nila sa pantry, hinanda nila ang kanilang pagkain upang imicrowave...nagkataong ima-microwave din ni obheto ang kanyang pagkain. nung tapos na ng iba nilang kasabay na imicrowave ang pagkain ay biglang sumingit ang babaeng petite upang imicrowave ang kanilang pagkain dahil hindi naman niya alam na si obheto ang kasunod na mag-iinit ng kanyang pagkain....dahil sa nangyari, nagpaubay itong si obheto at ito ang kanilang naging pag-uusap:

kasama ni petite : ui, sya muna...
petite : ay, ganon ba? sori po. cge po, ikaw na..
obheto: cge,ok lang. ipatong ko na lang yung sa akin.
petite: cge, sa akin mo na lang ipatong. kasya naman.

at ipinatong ni petite ang lalagyan ng pagkain na roasted chicken ni obheto sa kanyang kulay berdeng baunan na may laman na kanin at inilagay ang baunan ng kanyang mga kasama at pinagkasyang pilit sa microwave... lumipas ang ilang minuto...tapos na ang timer at tumunog ang 'ting!' ng microwave at kanilang binuksan ang microwave. kunwari ay si petite ang kinuha isa-isa ang mga pagkain na nakalagay sa microwave. pati ang kay obheto ay kanyang kinuha at iniabot dito. nagpasalamat naman si obheto....pasalamat na lang at di muling nanigas si petite...kundi ay baka di sya nakaiskor sa kanyang obheto... ang they lived happily ever after..... at dyan nagtatapos ang ating kwento....

May kulang sa kwento ni tigasing Icarski...

Heto yung nachop:

Habang nagpapainit ng mga pagkain sa microwave, sinulsulan ng kaibigan ng petite na babae na tawagin ang kanyang obheto kapag tapos nang initin ang pagkain. Bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik dahil nakaabang na ang kanyang kamay sa bukasan ng microwave at binibilang ang nalalabing segundo bago matapos ang pagpapainit ng mga pagkain. Maayos at planado sana. Bago pa man tumunog nang maka-ilang ulit ang microwave, dapat itong mahadlangan ng petite na babae para hindi marinig ng kanyang obheto at nang sa ganun ay magkaroon siya ng dahilan para tawagin ang kanyang obheto para sabihing: "Mainit nah... (ang pagkain)."

Ngunit.. tila baga may ESP ang kaobhe-obheto at bago pa man tumunog ang microwave ay tumungo na siya sa pantry.

Binuksan ng petite na babae ang microwave samantalang ang kanyang kaibigan ay nanabik at nangingisi sa maaaring kahinatnan ng kanilang maitim na balak...

3... 2... 1...

Subalit, ngunit, datapuwat... habang nakatayo ang obheto ay mistulang tuod ang ating bida habang hinihintay ng kanyang kaibigan na iabot ang roasted duck ng obheto. Ngunit hindi. Inilabas lamang niya ang pagkain ng kanyang kaibigan.

3... 2... 1...

Wheeezhing!!! Tila nahimasmasan. May ilang segundo na pala ang obheto na nakatayo at saka lang niya naiabot ang roasted duck, habang nangingisi at kamuntik mapakamot sa ulo ang kanyang kaibigan.


At iyon ang tunay na nangyari... huminto ang oras nang may ilang segundo para sa petite na babae at hindi nya iyon namalayan... siya'y nanigas na naman. :op

Lola Basyang,
Hndi ko pa maiwasan ang pagtawa at pagngiti habang ikinukwento nyo ang inyong fairy tale. Ngunit ang malupet dun ay may nakalimutan kayong isama na hinirit ng petite na ito pagkatapos ng insidente sa pantry.

Bababeng Maganda na nakaupo: Natawa naman ako dun sa sinabi ni Obhento mo na ‘ipatong ko na lang sayo..’ Parang Iba ang ibig sabihin..
Petite: oo nga e.. ‘Sana sakin ka na lang pumatong.’

At ayun po..
Ang moral lesson ay ‘Do not do unto others, unto you! What are friends..ARE for?


Actually, nanggaling pala yan sa 3 emails....pero same subject ha?? pinagdugtong-dugtong ko lang...hehehe...one of the GT moments na di ko makakalimutan...

Coincidence???

sa kawalan ng magawa nung tuesday, nagbrowse ako ng status ng mga nasa ym list ko. at ito ay aking napansin :




Ang mga pangyayaring naganap ay di sinasadya at pawang nagkataon lamang....hindi tunay na pangalan para sa seguridad ng isang taong involved sa pangyayaring ito..bahala na kayo kung sino yan...hehehe...

Missing College Life

first time to blog!!! hahaha!! akalain mo yun...kahit madaming ginagawa eh nakuha ko pang mag-experiment dito. I think I should take time na maglibang naman noh?? like haller?? ang robot, minsan kelangan din ng pahinga...josko!! araw-araw na lang yata akong nagdedebug sa letseng program na to...huhuhu...anyways, naaalala ko kahapon nung nakasakay kami sa lift ng mga maldita kong fwends...we're talking about Abby joining the Bb. Pilipinas and me joining Little Ms. Philippines...hahaha!! ksi naman si abby matangkad, ako hanggang Little Ms. Philippines lang ang kaya ng height ko...haaayyy...anyways, iyon, nag-uusap nga kami, tas may biglang nagtanong.."Sino escort??". Aba!! etong si kambeng eh biglang humirit na "E di si dugs!!! (di totoong pangalan)". tahimik na lang kami bigla dahil naaalala namin na kasama pala namin sa elevator ang labidabs ni dugs...haayyy...baka sabihin nun masyado namin pinipintasan jowawa nya...well...hindi naman masyado!! hehehe...haayyy...sa wakas ay mukhang okay na yung program na ginagawa ko na for more than a month...but still debugging and raising some issues sa aming counterpart....sabi pa tapusin ASAP eh di sana magbigay sila ng matinong test data!! hay nako!!!

I'm missing my college life at UPLB...gimiks na di magastos, kwentuhan ng walang kakwenta-kwenta, humilata kung gusto, magluto ng meals (rhea!! miss ko na combo meals natin!!!), videoke, tambay, charades at jogging sa freedom park, lunch sa IRRI with brods and sisses, eating at Papu's siomaian (11 pesos lang yung 3 siomai...o ha!! mura noh??), kain kay champion, ghost hunting pag trips, inuman at puyatan sa org haus, playing counter-strike, tambay sa internet cafe ng ex ko..tambay sa tambayan sa 3rd floor ng PhySci building, mangupal ng myembro...hehehe...at mag-absent sa klase...hay...videoke to the max saka billiards sa Gameroom, FebFair...miss those times...if only I could turn back the hands of time....asteeeggggg...super powers!! hahaha!!! (rona,fave expression natin...hehehe...)...kung maibabalik ko lang...hehehe...buti na lang pala na-extend ako ng 1 year sa college. kung hindi baka di ko na-enjoy to the highest level ang aking college life...dami kasi nagchange since nagwork ako...sobrang nashock!! hehehe...kasi naman, imagine, 1 sem akong walang ginagawa kundi yung SP ko para makagrad ako...so ang ginawa ko lang ay gumimik, matulog, kumain...at mag-enjoy..nung nagwork na,kelangan gumising ng maaga, kumain within limited time...hay nako...dati gigising ako 12pm na, tas lunch ng 2 cups ng rice, tas tulog ulit, tas gising para magmerienda ng rice ulit tas dun pa lang gagawa ng SP...pag nayaya pang gumimik, wala ng SP-SP...gimik na to!! hehehe...ikwento daw ang college life noh??hehehe...namiss ko kasi buhay LB life...simple pero enjoy...